^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Dapat bang may magutom?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Dapat bang may magutom?

NOONG nakaraang Pebrero, naitala ng Social­ Weather Stations (SWS) ang 26.4 percent na naka­ranas ng gutom. Pero sa surbey noong Marso, lumun­dag sa 35.6 percent ang mga nagsabing sila ay naka­ranas ng gutom. Ginawa ang surbey noong Marso 15-20, 2025, sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

Malaki ang nilundag ng porsiyento ng mga nakaranas ng gutom. Halos isang buwan lang ang pagitan ng ginawang surbey pero malaki ang tinaas ng mga nagsabing sila ay nakaranas ng gutom. Totoo kaya ito? O hindi naman talaga nakararanas ng gutom ang mga pamilyang Pinoy? Mahirap paniwalaan.

Kung may katotohanan ang surbey, balewala kung ganun ang mga ginagawang pagsisikap ng pamahalaan na mabigyan ng ayuda ang mga pamilyang maralita. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nangangasiwa sa pamimigay ng ayuda sa mga maralita. Kaya nakapagtataka kung paanong tumataas ang porsiyento ng mga nagsasabing sila ay nakararanas ng gutom.

Bukod sa Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ipinagkakaloob sa mga mahihirap, may mga food stamp program na inilunsad ang DSWD. Nagsimula ang food stamp program noong 2023. Ka­kaiba kaysa 4Ps, ang mahihirap ay pinagkalooban ng electronic benefit card na naglalaman ng P3,000 na halaga ng mga pagkain. Magagamit ang mga card sa mga awtorisadong tindahan, Kadiwa stores, groceries, at mga maliliit na supermarket.

Ayon sa DSWD, ang food stamp program ay may pondong $3-milyon na galing sa Asian Development Bank (ADB) at United Nations’ World Food Programme. Target ng pamahalaan na mabiyayaan ng programa ang isang milyong pamilya na lubhang salat sa pagkain. Ang programa ay tugon sa hangarin ni President Ferdinand Marcos Jr. na malutas ang dinaranas na kagutuman ng mga mahihirap na Pilipino. Target ng pamahalaang Marcos ang “Walang Gutom 2027”.

May nakararanas pa nga ba ng gutom kung ganitong may ipinagkakaloob na ayuda ang pamahalaan? Talagang mahirap paniwalaan ang surbey na may nag­sabing nakaranas sila ng gutom. Siguro ang mga nag­sabing nakaranas sila ng gutom ay yung hindi isinasaayos ang ipinagkaloob ng pamahalaan.

Bakit may mga pamilyang nakararaos nang ma­ayos dahil sa 4Ps? May mga benepisyaryo ng 4Ps na ang anak ay nagta-top sa licensure examinations. Ka­tulad ni Jayvee Fuentebella ng Bacolod na nakakuha ng 95 percent sa Electronics Technician Licensure Examination. Ang pamilya ni Jayvee ay active beneficiary ng 4Ps.

Ginamit nina Jayvee nang maayos ang nakukuha sa 4PS at sa nangyari, buong pamilya na nila ang ma­kikinabang. Tiyak, hindi na sila magugutom. Gayahin sana sila ng iba pa.

SURVEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with