^

PSN Opinyon

Simbahan sa England, nagsasagawa ng wrestling tournament para makahikayat ng mga bagong mananampalataya

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG simbahan sa Shipley, England ang nagsisilbing arena ng wrestling tuwing Sabado bilang bahagi ng isang inisyatibo na layong paglapitin ang pananampalataya at komunidad.

Sa St. Peter’s Anglican Church, isinasagawa ang tinaguriang Wrestling Church, isang kakaibang pagsasanib ng panalangin at pro wrestling na pinangungunahan ni Gareth Thompson, isang dating wrestler na ngayo’y isa ring debotong Kristiyano.

Ayon kay Thompson, ang mga kuwento sa wrestling na kadalasang umiikot sa labanan ng mabuti kontra masama ay maaaring gamitin para magturo ng aral mula sa bible.

Bago magsimula ang dalawang oras na laba­nang may kasamang body slam, tag team matches, at flying headbutts, may maikling homily at panalangin muna mula sa pari ng simbahan na si Rev. Natasha Thomas.

Halos 200 katao ang dumalo sa isa sa kanilang event, kabilang ang mga magulang, kabataan, at matagal nang tagahanga ng wrestling. Bagamat hindi ito karaniwang paraan ng pagsamba, ayon kay Thomas, epektibo ito sa paghikayat sa mga bagong churchgoers.

Ang Wrestling Church ay unang inilunsad ni Thompson noong 2022 at inilipat sa St. Peter’s noong nakaraang taon.

Sa ngayon, bukod sa buwanang wrestling events, ang kanyang organisasyong Kingdom Wrestling ay nagsasagawa rin ng mga community outreach programs tulad ng women’s self-defense classes, mental health support para sa kalalakihan, at training para sa mga batang hindi na tumatanggap ng pormal na edukasyon.

Ayon kay Kiara, ang reigning women’s champion ng Kingdom Wrestling, nakatulong ang grupo upang maisama­ niya ang kanyang pananampalataya sa mundo ng wrestling. Bago ang mga laban, nagdarasal siya ng taimtim at iniimbitahan ang kanyang makakalaban na sumabay upang humiling ng ligtas na laban.

Bagamat iilan pa lamang ang dumadalo sa regular na misa mula sa mga nanonood ng Wrestling Church, nakapagtala na ito ng 30 baptism sa unang taon ng operasyon.

Plano ni Thompson na palawakin pa ang Wrestling Church sa iba’t ibang lungsod sa England. Para sa kanya, wrestling man o pananampalataya, ang mahalaga ay may mensaheng naipapasa at komunidad na nabubuo.

STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with