^

PSN Opinyon

Hindi kapani-paniwalang pangangatwiran

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI kapani-paniwalang katwiran hinggil sa isang aksidente sa trapiko ay kasalukuyang kumakalat sa social media. Makikita sa video ang pagbaba ng mag-asawa sa kanilang sasakyan dahil binangga ang kanilang likuran. Ang driver ng kotse sa likod nila, isang babae, ay nagsimulang ipaliwanag ang sitwasyon:

“Luma kotse mo. Ako na nga ang atribido. Kahit ako makipag ano sayo wala ka namang pambayad. Naka??-stop. Kaya kita tinakbuhan naisip ko wala kang ano tapos wala naman kayong pambayad. Bago kotse ko.”

Mukhang hindi alam ng babae na kapag nabangga ang sasakyan mula sa likuran, awtomatikong ikaw ang may kasa­lanan. Sumasang-ayon ka man o hindi, ito ang batas.

Para sabihing umalis siya sa pinangyarihan ng aksidente dahil inaakala niyang walang pera ang may-ari ng kotse na nabangga niya dahil nagmamaneho siya ng lumang kotse ay napaka matapobre naman niya. Siya na ang nakabangga, siya pa ang dapat bayaran? Paano kaya niya ipaliliwanag iyan sa kanyang insurance?

Madalas tayong nakakarinig ng mga insidente ng road rage ngayon. Hindi na ba maingat ang mga drayber sa panahon ngayon? Masyado bang maraming sasakyan sa kalsada? Masyadong maraming mainit ang ulo? Sobrang init ba ng panahon?

Ang tao madalas na nagmamadali. At dahil masyadong maraming sasakyan, mabilis maubos ang pasensiya. At dahil sa init ng panahon may mga drayber na hindi na nag-iisip nang maayos. Natitiyak ko na sa pagbabalik-tanaw, walang drayber ang magnanais na maulit ang galit sa kalsada.

 Makabubuti sa ating lahat na magkaroon nang mahabang pasensiya kapag nagmamaneho.

Ang salot ng ilang mga drayber ng pampublikong jeepney, gayundin ng ilang rider ng motorsiklo at pribadong sasakyan, ay magpapatuyo ng dugo. Dapat tayong huminga nang malalim, mariing ipikit ang ating mga mata, at isipin ang kaligtasan at ginhawa ng ating mga tahanan.

Susubukan ng ilang drayber ang ating pasensiya, at maging ang ating common sense—wala tayong magagawa tungkol doon. Ang sikreto ay ang kontrolin ang iyong emosyon.

Mayroon pa tayong humigit-kumulang dalawang buwan ng mainit na panahon, kaya ang pagpapanatiling cool ay ang pinakamahalaga. Lalo na para sa mga nagmamaneho ng bagong mamahaling sasakyan.

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with