^

PSN Opinyon

Lalaki nagkaimpeksiyon sa lungs dahil sa madalas na pagsinghot ng medyas!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG lalaki mula sa Chongqing, China ang dumanas ng malubhang impeksiyon sa baga (lungs) dahil sa  hindi pangkaraniwan niyang bisyo, ang pagsinghot sa kanyang maruming medyas na isinusuot ng buong araw.

Ang hindi pinangalanang 40-anyos na office worker ay dinala sa Southwest Hospital ng Army Medical University matapos magreklamo na masyado ng matagal ang kanyang ubo at pamamaga ng mga mata.

Ayon sa pasyente, ang kanyang ubo ay hindi bumuti kahit pa siya ay uminom ng mga gamot, kaya’t napilitan­ siyang magpatingin sa doktor. Sa mga pagsusuri na isi­na­gawa ng mga doktor, kabilang ang CT scan at MRI, napansin nila ang mga hindi pangkaraniwang anino sa kanang bahagi ng kanyang baga.

Dahil sa patuloy na lumalalang kondisyon ng lalaki, nagsagawa pa sila ng bronchoscopy na nagsiwalat ng isang fungal lung infection na dulot ng Aspergillus, isang uri ng fungus na maaaring magdulot ng seryosong problema sa respiratory system.

Nang magtanong ang mga doktor tungkol sa kanyang mga aktibidad sa pang-araw-araw at kung paano ang kondisyon ng hangin sa kanyang paligid, tumambad ang isang nakakagulat na impormasyon—ang lalaki pala ay may kakaibang ugali ng pag-amoy ng kanyang maruru­ming medyas tuwing siya ay umuuwi mula sa trabaho.

Bago ito ilagay sa washing machine, sinisinghot niya ang mga hinubad na medyas, isang gawain na nagbigay-daan sa paglago ng fungus sa kanyang mga baga.

Ayon kay Dr. Liang Peiqiang, isang espesyalista sa Department of Respiratory Medicine ng Southwest Hospital, ang mga medyas na madalas isuot ng pasyente ay nagla­laman ng pawis, urea, at ang mainit at mamasa-masang kapaligiran sa loob ng sapatos ay naging breeding ground para sa pagdami ng mga fungus.

Ang pagsinghot ng maruruming medyas, kahit pa sariling gamit, ay may kasamang panganib ng pag-inhale ng mga delikadong fungus at bakterya. Kapag ang mga ito ay nakapasok sa ilong at lalamunan, maaari itong magdulot ng impeksiyon sa baga na maaaring magdulot ng malubhang problema sa kalusugan, at hindi agad-agad makikita ang epekto nito.

Ang mga doktor ay nagbigay-diin na hindi lahat ng impeksiyon ay agad-agad namamalas, at ang maagang pagsusuri ay mahalaga upang maiwasan ang paglala ng mga kondisyon na tulad ng naranasan ng lalaki mula Chongqing.

Sa huli, ang karanasang ito ng pasyente ay nagsilbing isang mahalagang paalala sa publiko na hindi lahat ng bagay na tila walang masamang epekto sa unang tingin ay ligtas para sa kalusugan.

Ang mga simpleng gawain tulad ng pag-amoy ng maruru­ming medyas ay may kasamang mga panganib na hindi natin nakikita, kaya mahalaga na maging mapanuri at mag-ingat sa ating mga nakagawian, lalo na kung ang kalusugan ang nakataya.

Sa kasalukuyan, patuloy na ginagamot ng mga eksperto ang impeksyon sa lungs ng pasyente.

LUNGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with