^

PSN Opinyon

Lalaki, hindi makahanap ng trabaho matapos manakawan ng ID habang nagbabakasyon!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI makapaniwala ang isang 24-anyos na German-Tunisian matapos madiskubreng mayroon siyang criminal record sa United Kingdom, kahit hindi pa naman siya nasangkot sa anumang krimen.

Si Rami Battikh ay naging biktima ng identity theft matapos mawala ang kanyang German ID card habang nagbabakasyon sa London noong 2019. Noon ay hindi niya ito masyadong inintindi at agad na nag-apply ng bagong ID nang siya ay makabalik sa Germany.

Ngunit pagsapit ng 2021, may isang lalaki sa London ang gumamit ng kanyang pagkakakilanlan at nasentensiyahan ng 18 months na pagkakakulong dahil sa iba’t ibang kaso tulad ng driving without a license, insurance fraud, at paggamit ng pekeng dokumento.

Nagpatuloy ang problemang dulot nito kay Battikh noong 2022 nang matuklasang may panibagong kaso na naman na nakadikit sa kanyang pangalan, ang pagdadala ng kutsilyo sa pampublikong lugar.

Sa kabila ng malinaw na ebidensiyang wala siya sa U.K. sa mga panahong iyon at sa pahayag ng isang hukom sa Wood Green Crown Court na isang kaso ng identity theft ang naganap na maling record, bigo pa rin ang London Metropolitan Police na linisin ang kan­yang pangalan.

Dahil sa criminal record na ito, hindi makakuha ng trabaho si Battikh sa kanyang sariling bansa. Kahit ang mga kompanyang nais siyang tanggapin ay napilitan siyang talikuran matapos makita ang kanyang diumano’y criminal history.

Dahil dito, napilitan siyang ibenta ang kanyang sasakyan upang may panggastos sa araw-araw.

Sa matinding pagkadismaya, ilang beses nang sumulat si Battikh sa U.K. Metropolitan Po­lice, nag-alok pa siya ng DNA testing at fingerprinting upang patunayang inosente siya. Ngunit tila walang ginagawa ang mga awtoridad at patuloy siyang binabalewala.

“Hindi ko na alam ang gagawin. Sinira ng identity theft na ito ang buhay ko. Wala akong trabaho, wala akong kita. Pakiusap, gawin ninyo ang kinakailangan para mapatunayan kong wala akong kasalanan,” desperadong pahayag ni Battikh.

Sa isang pahayag, sinabi ng Metropolitan Police na inaaksyunan na nila ang kaso ngunit hindi pa rin malinaw kung kailan ito ganap na mareresolba.

Patuloy na umaasa si Battikh na mabibigyan siya ng hustisya at makakabalik sa normal na pamumuhay, ngunit sa ngayon, nananatili siyang bihag ng isang sistemang tila hindi makakita ng malinaw na katotohanan.

ID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with