^

PSN Opinyon

Lalaki sa Kazakhstan, nanalo sa kaso gamit lamang ang chatgpt!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang motorista sa Kazakhstan ang matagumpay na naipanalo ang kaso laban sa kanyang traffic violation­ gamit lamang ang artificial intelligence! Si Kenzhebek Ismailov, 23-anyos mula Almaty, ay gumamit ng ChatGPT upang ipaglaban ang kanyang karapatan sa korte matapos makatanggap ng tila hindi makatarungang multa.

Naganap ang insidente noong December 2024 habang ipinagmamaneho ni Ismailov ang kanyang ina patungo sa ospital. Habang nasa isang makitid na lansangan, biglang huminto ang isang sasakyan sa unahan niya, humarang sa buong daan, at nagdulot ng trapiko. Dahil walang ibang opsyon, napilitan siyang dumaan sa lane ng pampublikong sasakyan upang makalusot. Ngunit nahuli ito ng surveillance camera, kaya’t agad siyang pinadalhan ng multa na nagkakahalaga ng 5,800 tenge (humigit-kumulang 700 pesos).

Sinubukan ni Ismailov na ipaliwanag ang kanyang panig sa traffic authority, ngunit agad nila itong tinanggihan. Hindi siya sumuko at dinala ang kaso sa korte kung saan dito na pumasok ang tulong ng ChatGPT.

Dahil hindi bihasa sa mga legal na proseso at ayaw gu­mastos para sa abogado, ginamit niya ang ChatGPT upang humingi ng payo. Tinulungan siya ng AI na ihanda ang mga kinakailangang dokumento para sa kanyang kaso at maging ang mga sagot sa posibleng tanong ng hukom. Sa mismong pagdinig, ginamit pa niya ang speech synthesis ng AI upang sagutin ang mga tanong in real-time.

Sa loob lamang ng sampung minuto, nagdesisyon ang hukuman na ibasura ang multa at paboran si Ismailov! Dahil dito, naibalik sa kanya ang perang ipinambayad sa multa.

Ayon kay Ismailov, hindi pera ang dahilan kung bakit niya ipinaglaban ang kaso kundi prinsipyo. Nais niyang maturuan ng leksyon ang mga traffic enforcer na naging bastos at hindi propesyonal sa pagtugon sa kanyang reklamo. Dahil sa kan­yang tagumpay, balak pa niyang kasuhan ang pulisya upang humingi ng danyos sa abalang idinulot nito sa kanya.

Ang tagumpay ni Ismailov ay nagdulot ng malawakang talakayan sa social media at sa hanay ng mga legal na eks­perto. Para sa ilan, ito ay patunay na ang AI ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa larangan ng batas. Ngunit para sa iba, dapat pa ring mag-ingat sa labis na umasa at dumepende sa teknolohiyang ito.

KAZAKHSTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with