^

PSN Opinyon

Babae sa Poland, nabistong naglalagay ng lason sa inumin ng katrabaho!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG janitress sa Warsaw, Poland ang inaresto ma­tapos itong mahuli sa akto na naglalagay ng lason sa inumin ng katrabaho!

Arestado ang isang hindi pinangalanang 56-anyos na babae matapos siyang mahuli sa hidden camera na naglalagay ng kemikal sa tsaa at soft drinks ng kanyang 51-anyos na kasamahan sa trabaho.

Kasabwat umano niya ang isa pang 68-anyos na babae na matagal nang alam ang ginagawang panla­lason ngunit hindi nagsumbong sa mga awtoridad.

Nagsimula ang pananakit ng tiyan ng biktima ilang buwan na ang nakalipas. Una niyang inisip na baka stress lang at pagod sa trabaho ang dahilan nito pero nang lumala ang kanyang sintomas, agad siyang nagpa-checkup sa ospital.

Nagulat siya nang sabihin ng mga doktor na ang kan­yang mga sintomas ay may pagkakahawig sa epekto ng pagkalason sa kemikal.

Nag-isip siya at naalala na may kakaibang lasa ang kan­yang tsaa sa trabaho, kaya’t doon nagsimulang mabuo ang kanyang hinala. Sinubukan niyang magsumbong sa pulisya ngunit sinabi sa kanya na kulang pa ang ebidensiya para umaksyon sila.

Kaya naman nagdesisyon siyang mag-setup ng hidden camera sa quarters ng kanilang opisina.

Sa loob lamang ng ilang araw, lumabas sa video ang katotohanan kung saan makikitang ang isa niyang katrabaho ang naglalagay ng kemikal sa kanyang inumin.

Kitang-kita sa video na kinakausap ng suspek sa telepono ang isa pa nilang 68-anyos na katrabaho habang iniisprey ang panlinis na kemikal sa tsaa at soft drinks ng biktima.

Sa mga sumunod na araw, inulit pa ng suspek ang kan­yang ginawa, na lalo pang nagpatibay sa ebidensiya ng biktima.

Hindi agad nagpakita ng galit o inaway ng biktima ang suspek, sa halip, kalmado niyang ipinakita ang mga video sa mga pulis, na agad namang umaksiyon at ina­resto ang 56-anyos na babae at isa pang katrabaho.

Sa imbestigasyon, lumabas na hindi magkasundo ang biktima at ang dalawang suspek dahil sa isyu ng posisyon sa trabaho. Pare-pareho silang nagtatrabaho bilang janitress sa isang gusali sa Warsaw.

Ayon sa mga unnoficial reports, tila nainggit ang dalawang suspek sa biktima dahil sa bahagyang mas mataas nitong katungkulan. Sa halip na pag-usapan ang kanilang alitan, nagdesisyon ang dalawa na lasunin ang kanilang kasamahan sa trabaho upang tuluyang mapaalis ito.

Bukod sa video, narekober din ng mga pulis ang mga bote ng inumin na nilagyan ng kemikal, pati na rin ang mga nakalalasong sangkap na ginamit sa krimen.

Matindi ang maaaring haraping parusa ng 56-anyos na suspek dahil sa pagtatangkang magdulot nang matinding pinsala sa katawan ng biktima kung saan maaari siyang makulong nang hanggang 20 years.

Samantala, ang 68-anyos niyang kasabwat ay maaaring mahatulan ng hanggang 3 taong pagkakabilanggo dahil sa hindi pagsumbong sa awtoridad.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang imbestigasyon, at may posibilidad na may iba pang kasabwat sa krimen.

LASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with