Wala raw West Philippine Sea? Hindi niya alam ang batas
“Walang West Philippine Sea. Wala po ‘yon. Kahit basahin yung ating mapa, walang West Philippine Sea,” binulalas ni Rep. Rodante Marcoleta nu’ng Peb. 4.
Hindi ba alam ni abogadong Marcoleta ang batas? Sabi ng R.A. 120641: “The maritime zones of the Philippines on the western side of the Philippine archipelago, including the Luzon Sea and the territorial seas of Bajo de Masinloc and the maritime features of the Kalayaan Island Group, shall be collectively called the West Philippine Sea.”
Ipinasa ito ng House of Reps nu’ng May 29, 2023 sa botong 284-0-0. Maaring isa si Marcoleta sa unanimous “yes”, maliban lang kung absent siya, ani dating Supreme Court Justice Antonio Carpio.
Gumuguhit ng bagong mapang may eksaktong longitute at latitude coordinates ang National Mapping and Resource Information Authority. Ibabatay ito sa bagong Archipelagic Baselines Law.
China Communist Party lang ang umuusig sa WPS. Inaangkin nito ang buong South China Sea, kasama ang WPS, bilang panloob na lawa. Nag-imbento ito ng ten-dash line, dating nine- at 11, pero walang sukat.
Nu’ng 2016 ibinasura ng Permanent Court of Arbitration ang walang batayang pang-aangkin ng CCP. Dumarami ang mga bansang sumusuporta sa desisyon ng PCA.
Bakit inulit ni Marcoleta ang CCP propaganda isang linggo bago magsimula ang kampanya ng Halalan 2025? Sabi nga ni Philippine Coast Guard Commo. Jay Tarriela, “Paano susuportahan ng mundo ang paggamit ng terminong West Philippine Sea kung tayo mismo ang magmaliit nito?”
Bakit nga ba biglang bumulalas si Marcoleta? Nagpapapansin ba siya sa leader ng senatorial ticket na si Rody Duterte, na umiidolo kay Xi Jinping?
(Itutuloy bukas)
- Latest