^

PSN Opinyon

Lupa mula sa banko, ginagamit na pampasuwerte sa China!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Trending ngayon sa China ang isang kakaibang produkto na ibinebenta online, ang tinatawag na “bank soil” o lupa na nagmula sa malalaking banko.

Ayon sa mga nagbebenta, ang lupa raw na ito ay may kakayahang magdala ng suwerte at yaman sa sinumang bibili nito.

Ang halaga ng “bank soil” ay umaabot sa 888 yuan (P7,300) kada pouch, depende sa pinagmulan nitong banko. Kabilang sa mga sinasabing pinagkukunan nito ang Bank of China, Industrial and Commercial Bank of China, Agricultural Bank of China, China Construction Bank, at Bank of Communications.

May ilan ding nag-aalok ng mas murang bersiyon sa halagang 24 yuan (P200).

Ayon sa ilang online vendors, ang lupa ay kinokolekta nang manu-mano mula sa mga paligid ng mga banko, sa mga paso sa loob ng banko, o maging sa alika­bok mula sa mga money-counting machines.

Ang ilan ay nagpapatunay pa ng “authenticity” ng produkto sa pamamagitan ng video, kung saan makikita ang aktuwal na paghuhukay ng lupa sa labas ng banko.

Maraming mamimili ang tila nahumaling sa panini­walang ito. Isang negosyante ang nagsabing bumili siya ng “bank soil” upang makatulong sa paglago ng kanyang negosyo. Dagdag pa niya, marami rin siyang kakilalang bumili ng naturang produkto.

Ang kakaibang trend na ito ay nagmula sa paniwala na masuwerte ang lupa mula sa banko, ito ay dahil ang mga banko ay sentro ng kayamanan at walang tigil ang daloy ng pera rito.

Sa kulturang Tsino, malakas ang paniniwala sa feng shui at mga pampasuwerteng bagay, kaya iniisip ng ilan na ang anumang bagay na galing sa isang lugar na maraming pera ay maaaring magdala rin ng kasaganaan sa kanila.

Sa kabila ng kasikatan nito, umani rin ng kantiyaw ang “bank soil trend” sa social media. May ilang mga pilo­sopong netizens ang nagtanong kung bakit hindi sila yumayaman gayong nakatira naman sila malapit sa banko.a

Samantala, nagbabala naman ang isang eksperto na posibleng ituring na panloloko kung ang ibinebentang lupa ay hindi naman talaga mula sa banko. Bukod pa rito, may batas sa urban landscaping sa China na ipinagbabawal ang pagdudukal ng lupa sa pampublikong espasyo.

Kahit walang siyentipikong basehan, patuloy pa rin ang bentahan ng “bank soil,” isang patunay na marami ang handang magbayad para sa kahit anong pangakong suwerte, kahit pa ito’y isang supot lang ng lupa.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with