^

PSN Opinyon

Mayang (210)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Habang nagkukuwentuhan sa salas sina Nanay Julia at Mama Lira ay lihim naman silang pinagmamasdan nina Hiyasmin at Dax. Natutuwa ang dalawa sapagkat magkasundo agad ang dalawa kahit noon lang nagkita.

“Ang sarap ng kuwentahan nina Mama at Nanay Julia. Nakakatuwa sila. Kahit ngayon lang nagkita e parang matagal nang magkakilala.’’

“Oo nga. Magka­sundung-magkasundo sila. Bihira raw ang ganyan, Hiyasmin. Kadalasan daw sa mga ina ng magkasintahan ay hindi nagkakasundo at laging nagtatalo o nagkokontrahan.’’

“Salamat sa Diyos at magkasundo na agad sila. Nakakapagpatibay sa samahan ng mag-asawa kapag nakikitang ang in-laws ay ubod ng saya.’’

“Kaya nga gusto kong makasal na tayo para makumpleto na ang saya natin, Hiyasmin.’’

“Gusto mo na ba talaga, Mr. Dax?’’

“Oo. Para makatipid tayo.”

Tumaas ang kilay ni Hiyasmin.

“Anong ibig mong sabihin?’’

“Siyempre kapag kasal na tayo, sa iisang silid na lang tayo—e di makakatipid sa kuryente at iba pa.’’

Napahagikgik si ­Hiyasmin.

“Sabagay nga ano?’’

“Bukod dun, hindi na tayo magdi-date dahil mag-asawa na tayo.’’

“So hindi mo na ako idi-date?’’

“Idi-date pa rin siyempre, he-he-he!”

(Itutuloy)

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with