^

PSN Opinyon

Napabayaang lubak, naging ‘banana plantation’ sa gitna ng kalsada sa Cuba!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang malalim na lubak sa distrito ng El Cerro sa Havana, Cuba ang naging tampok na tanawin sa lugar matapos itong tubuan ng mga puno ng saging.

Ang butas, na nagsimula sa isang sirang water pipe, ay hindi na tinapalan ng aspalto matapos ayusin ng mga awtoridad ang nasirang linya ng tubig tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa paglipas ng panahon, imbes na sementadong daan, isang maliit na taniman ng saging ang sumibol sa ­natu­rang hukay at ngayon ay ­naging “atraksiyon” na sa naturang lugar.

Ayon sa mga ulat, ang problema sa imprastruktura sa Cuba ay matagal nang suliranin, lalo na’t tinatayang 70 percent ng mga kalsada sa bansa ay nasa “poor’ condition”.

Sa maraming lugar, may mga bahagi ng kalsada na halos hindi na nagagamit dahil sa tindi ng pagkasira. Ngunit kakaiba ang nangyari sa El Cerro, kung saan hindi lang ito simpleng lubak, kundi isa nang urban plantation sa gitna ng kalsada.

Noon ay simpleng butas lamang ito na iniiwasan ng mga motorista, ngunit nang magsimulang tumubo ang ilang halaman sa loob nito, nagkaroon ito ng bagong gamit para sa mga residente.

Isa sa mga halaman na tumubo ay isang puno ng saging na sa paglipas ng panahon, ay dumami. Ngayon, mistulang maliit na plantasyon na ito ng saging na inalagaan na ng mga tagaroon.

Sa kabila ng pagkabahala ng iba sa sitwasyon ng kalsada, may ilan namang natutuwa sa presensya ng mga puno ng saging, lalo na’t libre nilang nakakain ang bunga nito.

Ayon sa mag-asawang José Antonio Fleites at Carmen Rosa Guzmán, na nakatira malapit sa lugar, araw-araw nilang dinidiligan ang mga halaman upang manatili itong malusog at patuloy na mamunga.

“Napakalaking bagay nito dahil napakamahal ng pagkain ngayon,” ayon sa isang residente. “Hinihintay namin silang ayusin ang kalsada, pero sa ngayon, okay na rin na hindi ito ayusin dahil may libre kaming saging.”

Dahil sa tagal ng pagpapabaya sa nasabing kalsada, tila natanggap na ng mga residente ang kakaibang tanawin.

Hindi na sila nagugulat sa presensya ng banana plantation sa gitna ng kalsada dahil sa katunayan, naging lokal na atraksiyon na ito.

Araw-araw, dumaraan ang mga sasakyan at motorsiklo sa paligid ng puno ng saging, at tila wala nang nakikitang problema ang mga tao rito.

EL CERRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with