Guro sa Australia na umaasta na parang isang pusa, inireklamo ng mga magulang!
Isang guro sa Marsden State High School sa Logan City, Australia, ang pinuna ng mga magulang matapos umano nitong umasta bilang pusa sa loob ng silid-aralan.
Ayon sa mga ulat, nais ng naturang guro na tawagin siya ng mga estudyante bilang si “Ms. Purr”.
Bukod dito, nagsusuot din ng headband na may taynga ng pusa ang guro.
May mga nagsabi pang umaangil at gumagawa pa ito ng growling sounds sa mga batang hindi nakikinig.
Kung anu-ano pa ang mga sinasabi ng mga estudyante sa nasabing guro. At ang ganito ay hindi nagustuhan ng mga magulang sapagkat maaaring maapektuhan ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Kaya nagpasya sila na ipaabot ang reklamo sa pamunuan ng eskuwelahan. Nagkaisa sila sa pagrereklamo sa guro.
Dahil sa reklamo ng mga magulang, agad na inimbestigahan ng Queensland Department of Education ang insidente.
Ayon sa mga opisyal ng Queensland Department of Education, hindi katanggap-tanggap ang ganitong asal sa isang pampublikong paaralan.
Kalaunan, napag-alamang umalis na sa trabaho ang nasabing guro, kahit na may suporta siya mula sa ilang kasamahan sa paaralan.
- Latest