^

PSN Opinyon

Higit tatlong dekada na

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang linggo, nagtitipon-tipon ang mga representante at opisyales ng kani-kanilang bansa na sakop ng Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sub-regional economic grouping.

May higit tatlong dekada na rin makaraang itatag noong 1992 at pormal na nagkaisa ang mga Presidente at Prime Minister ng apat na bansa upang itaguyod ang nasabing pagkakaisa.

Ang BIMP-EAGA ay nagtatalakay sa kooperasyon ng apat na bansa sa larangan ng edukasyon, culture, tradition at iba pang mga bagay kasali na ang kooperasyon sa ekonomiya at medisina.

Kaya nga napakahalaga na hanggang ngayon, nagkakaisa pa rin ang mga EAGA officials. Dapat silang magkaroon ng strategic collaboration planning kung ano ang gagawin nila sa hinaharap lalo at kailangan nilang ipakita na matatag pa rin ang sub-regional grouping na may higit 170 million consumer base.

Magandang tingnan na hindi pa rin nagpapaawat ang mga opisyales galing North Sulawesi, East Malaysia, Brunei Darussalam at Mindanao para sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Mindanao Development Authority (MinDA) chair Secretary Leo Magno ang kahalagahan ng patuloy na strategic collaboration sa apat na backwaters of their respective economie upang hindi masayang ang higit 170 million na consumers nito.

Sayang din.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with