^

PSN Opinyon

Teenager sa Brazil, namatay matapos turukan ang sarili ng paruparo!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang 14-an­yos na binatilyo ang namatay matapos iturok sa sarili ang likidong na may dinurog na paruparo! Kinilala ang biktima na si Davi Nunes Moreira, na biglang dumanas nang matinding pagsusuka at pananakit ng binti matapos gawin ang kakaibang eksperimento. Una niyang sinabi sa ama na nadapa lamang siya habang naglalaro, ngunit kalaunan ay inamin sa mga doktor na nagtungo siya sa isang botika, nag­handa ng pinaghalong tubig at dinurog na paruparo, at itinurok sa kanyang binti. Sa pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan ng kanyang ama ang hiringgilyang ginamit ni Davi sa ilalim ng unan nito.

Dinala siya sa isang ospital sa Planalto, ngunit dahil lumala ang kanyang kondisyon, inilipat siya sa isang mas malaking ospital sa Vitoria da Conquista kung saan siya namatay. Pinaniniwalaang maaaring nagkaroon nang matinding reaksyon ang katawan ng binatilyo sa toxins na nasa likido, dahilan upang siya ay ma-shock at tuluyang bumi­gay ang kanyang sistema. Bagamat hindi pa tiyak ang eksaktong sanhi ng pagkamatay, iniimbesti­gahan ng mga awtoridad ang posibilidad na bahagi ito ng isang mapanganib na “challenge” o “dare” sa social media.

Ayon kay Marcelo Duarte, isang eksperto sa mga paruparo at direktor ng Zoology Museum ng Sao Paulo University, hindi pa lubusang napag-aaralan ang epekto ng mga likidong nasa katawan ng paru­paro sa kalusugan ng tao. Alam na ang ilang uri, gaya ng Monarch butterfly, ay may taglay na lason mula sa mga halamang kanilang kinakain, ngunit hindi malinaw kung anong klase ng paruparo ang ginamit ni Davi. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso, habang nananatiling palaisipan kung nag-ugat ba ito sa isang delikadong online challenge na naging dahilan ng trahedya.

DAVI NUNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with