^

PSN Opinyon

Ilang kaalaman sa sakit sa suso ng babae at lalaki

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Ang mga lalaki habang nagbibinata ay nagkakaroon ng maliit na mga bukol sa may nipple o utong, dapat pansamantala lang ito dahil sa hormone na estrogen.

2. Minsan sa andropause o edad 70’s ng mga lalaki ay puwede ring lumaki ang breast dahil sa pagbaba ng testosterone.

3. Sa mga babae na naka-hormone replacement therapy (HRT) o naka-oral contraceptive pills ay puwedeng lumaki ang suso.

4. Kapag overweight o mataba ang babae o lalaki ay lumalaki ang suso.

5. Ang mga ina na nagpapasuso ay nagkakaroon ng pagbitak sa utong o nipple na pwedeng lagyan ng oil o lotion para maiwasan ang pagsusugat.

6. Ang pagkati ng nipple ay dahil sa iritasyon mula sa damit o tela, o fungal infection.

7. Nagkakaroon din ng discharge o lumalabas sa utong ng bagong panganak na sanggol sa loob ng ilang araw. Ang tawag dito ay witch milk.

8. Sa nagpapasuso, importante ang unang gatas o colostrum na maibigay sa sanggol. Dapat kumain ang ina ng masustansyang pagkain at uminom ng sapat na tubig. Pwede magpasuso ang may inverted nipple, sabihin sa OB Gyn ninyo dahil mayroong paraan.

9. Kapag may discharge sa utong pero hindi naman buntis o nagpasuso, magpasuri sa doktor dahil may mga sakit sa thyroid na ganito ang makikita.

10. Kung may lalabas na kulay brown o dugo sa suso, magpatingin dahil baka kanser ito.

11. Sumasakit ang suso kapag nabunggo, may regla, buntis, menopause, kapag may mastitis o impeksyon, o kanser.

12. Mag self-breast examination kasi kadalasan ang mister pa ang nakakapansin. Ang mga test sa suso ay mammogram at breast ultrasound. Hindi naman masakit magpa-test.

13. Lahat ng bukol sa suso ay dapat ipa-check sa surgeon para malaman kung kanser o impeksiyon tulad ng mastitis.

BREAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with