^

PSN Opinyon

Babae sa Japan, inaresto matapos pisain ang mga tinapay sa isang convenience store!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

KALABOSO ang isang 40-anyos na babae matapos nitong pisain ang isang balot ng tinapay na paninda sa convenience store at tumangging bayaran ito.

Ayon sa pulisya, pumasok ang babae sa isang convenience store sa Fukuoka at hinawakan ang isang pack ng black sesame at cream cheese buns na nagkakahalaga ng ¥180 (P67).

Sa hindi malinaw na dahilan, pinisil umano niya ang isa sa mga tinapay gamit ang kanyang ­hinlalaki, ­dahilan para ma-deform ito at hindi na maaaring maibenta ang buong pack.

Nakita ng may-ari ng convenience store ang pangyayari at agad siyang sinita, ngunit nagmatigas ang babae at tuluyang lumabas ng tindahan nang hindi nagbabayad.

Dahil dito, sinundan siya ng may-ari ng halos isang kilometro bago siya pinigilan at ipinaaresto sa mga awtoridad.

Ayon sa may-ari, ilang beses na niyang nahuli ang babae na pinipisa ang mga tinapay sa kanyang tindahan, kaya’t hindi na ito nag-atubiling humingi ng saklolo sa pulisya.

Depensa naman ng suspek, hindi niya intensiyong sirain ang tinapay at gusto lang daw niyang suriin ang “firmness” nito.

Ngunit giit ng pulisya, kahit hindi nabuksan ang pakete, may sira na ang isang tinapay, dahilan para hindi na ito maibenta.

Hindi ito ang unang kaso ng “food vandalism” sa Japan.

Noong 2023, pinaigting ng mga awtoridad ang pagbabantay sa mga vandal sa Japan na sangkot sa tinaguriang “sushi terrorism” kung saan isang serye ng mga pananabotahe sa mga conveyor belt sushi restaurants.

Sa naturang insidente, ilang kabataan ang naku­hanan ng video na nilalawayan ang bote ng toyo, dinidilaan ang sushi na para sana sa ibang customer.

Nag-viral ang mga video sa social media, dahilan para bumagsak ang kita ng maraming sushi chain restaurants sa Japan.

Dahil dito, nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad ang mga establisimento, kabilang ang paglalagay ng CCTV at pagpapalit ng sistema ng order upang hindi na makialam ang ibang tao sa pagkain ng iba.

Ayon sa mga ­eksperto, ang ganitong mga kaso, mula sa paninira ng tinapay hanggang sa “sushi terrorism” ay nagpapakita ng lumalalang isyu ng vandalism at prank culture sa Japan.

Sa kasalukuyan, patuloy pang iniimbestigahan ang insidente habang nasa kustodiya ang babae na tinawag ng media bilang “bun smasher.”

TINAPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with