^

PSN Opinyon

Trabaho ang hanap mo? Subukan ang Australia!

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Nagbukas ng bagong pinto ang bansang Australia para sa mga dayuhang nais magtrabaho rito.

Noon pang Disyembre 7, 2024 ipinalabas ng Department of Home Affairs ng Australia ang bago nitong Core Skills Occupation List (CSOL) na naglalatag sa mga tra-bahong maaaring aplayan sa bansang ito. Sumasaklaw sa mga trabahong ito ang Skills in Demand visa (replacement of the Temporary Skilled Shortage 482 visa) at Employer Nomination Scheme Direct Entry stream (186) visa. Pinalitan ng CSOL ang Temporary Skill Shortage (subclass 482) visa.

Ibig sabihin nito, kung meron kang taglay na kaalaman, karunu-ngan, kasanayan, karanasan, kuwalipikasyon o pinag-aralan na me-rong kaugnayan sa alin man sa mga posisyong binabanggit sa CSOL, maaari kang mabigyan ng kaukulang visa at makapagtrabaho sa Australia. Kailangan lang meron kang sponsor doon o employer o kumpanya sa Australia na kukuha sa iyo para magtrabaho sa kanila.

Ayon kay Johanna Bertumin Nonato, isang abogadang Filipino Australian ng rehistradong migration agent na Dragon Legal Services at CEO ng BridgeAus Migration Consultancy, para makakuha ng naturang visa ay dapat meron nang mapapasukang employer sa Australia ang aplikante at ito ang mag-iisponsor sa kanya.

Mahaba ang nasa listahan na binubuo ng mahigit 450 klase ng trabahong maaaplayan kabilang ang nasa larangan ng construction, agriculture, cybersecurity at health sector.  Halimbawa rin ang engineer, architect, teacher, doctor, nurse, scientist, piloto, flight attendant, flower grower, aquaculture farmer, goat/pig/ cattle farmer, accountant, journalist,  company secretary, accountant, auditor,  technician, diving instructor, cartographer, chemist, food technologist, midwife, computer programmer, school principal, faculty head, travel agency manager, cinema manager, music director, artistic director, statistician, jewellery designer, interior designer, electrical engineer, software engineer, motor mechanic, metal fabricator, tool maker, carpenter, painter, baker, pastry cook,  social worker, landscape garder, hairdresser, furniture maker, at iba pa.  Makikita ang kabuuan sa website ng Department of Home Affairs ng Australia na <https://immi.homeaffairs.gov.au/Documents/core-sol.pdf>.

Sinabi ni Nonato na sa bagong skills list, tatagal nang hanggang apat na taon ang visa (482) ng migranteng manggagawang hahawak ng alin man sa mga trabahong nasa listahan tulad ng chef at cook.

Isinama rin sa listahan ang Child Care Workers. Makakapagtrabaho sa ganitong posisyon ang mga me-ron nang Certificate II o III sa Early Childhood Education and Care  sa ilalim ng 482 visa.

Pinalawak din ng CSOL ang mga trabahong may kinalaman sa computer o internet. Sa dating listahan, nakasaad lang ang mga posisyon ng ICT Security Specialist, Database at Systems Administrator. Sa bagong listahan, isinama na ang   Cyber Governance Risk and Compliance Specialist, Cyber Security Advice and Assessment Specialist, Cyber Security Analyst,  Cyber Security Architect,

Cyber Security Operations Coordinator, at Cyber Security Engineer.   Oportunidad ito para sa mga cyber professionals na me-rong work experience at relevant qualifications na  iisponsoran ng employer sa ilalim ng TSS 482 o ENS 186 visa.

Nasa listahan din ang Sales Representative (Industrial Products), Sales Representative (Medical and Pharmaceutical  Products),  Retail Ma-nager (General), Tra-vel Agency Manager, Travel Consultant,  Out of School Hours Care Worker, Office Ma-nager, Legal Secretary, Beauty Therapist at  Tour Guide.

Ipinahihiwatig rin sa listahan ang mga manggagawang kailangan sa Australia.

Kung meron ka nang employer na maiisponsoran ka sa isang work visa, makakabuting humingi ng payo mula sa isang Immigration lawyer o sa isang Registered Migration Agent.

Maaari ring magtanong sa mga lisensiyado at rehistradong recruitment agencies, jobsites, o sumilip sa website ng Department of Migrant Workers patungkol sa mga trabahong maaaring maaplayan sa Australia. Bisitahin ang mga website ng mga kumpanya sa Australia na maaaring nangangailangan ng mga manggagawa kaugnay sa alin man sa mga trabaho o posisyong nakalatag sa nabanggit na listahan.  Maging maingat lang para hindi mabiktima ng mga illegal recruiter, scammer, at ibang klase ng mga panloloko.

* *  * * * * * * *

Email– [email protected]

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with