Tatlong IT experts, ‘sure kalaboso’ sa P90-M raket!
“SURE win” sa darating na midterm elections kapalit ng P90 milyon ang inilalako ng tatlong IT experts sa mag-amang pulitiko sa Enrile, Cagayan. Ang problema lang, “sure kalaboso” ang kinahantungan ng tatlong suspects.
Kasi nga, inaresto ang tatlo ng mga tauhan ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III sa isang entrapment operations sa isang mall sa Marikina City noong Lunes. Araguyyy!
Kinilala nina Enrile Mayoral candidate Robert Turingan, ang kanyang anak na si Vice Mayoral candidate Karen Tavas Turingan ang mga suspects na sina Bernard Baysic, 53; Donnie Rey Belles, 41, at Ronald Rey Alladin, 39.
Hindi na pinresenta ni Torre sa media ang suspects. Subalit malakas ang paniwala ni Torre na may mga nabiktima pa ang suspects kaya’t nanawagan s’ya na lumutang sila at mag-file ng reklamo para mabulok na ang mga ito sa kulungan. Sanamagan! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayon sa matandang Turingan, nilapitan siya ng suspects noong 2019 elections para gamitan ng madyik ang kanyang kalaban. Sa paniwalang malakas siya sa kanyang constituents, hindi niya pinansin ang grupo. Olats siya, aniya.
Noong 2022 elections, binalikan siya ng suspects at inalok uli ng kanilang serbisyo sa halagang P90 milyon. Ipinagyabang ng grupo na tinulungan nila ang kanyang kalaban kaya nanalo ito.
Nagbayad si Turingan ng P5 milyon para ‘wag lang makialam ang mga ito sa elections. Natalo uli si Turingan. Ang sakit sa bangs nito!
“Ngayon lumapit ulit sila sa amin, P90million ulit ang hinihingi, una nagbigay ako ng P500,000 then P2 million pero para lang painan sila para mahuli na sila,” ayon sa matadang Turingan.
Ang mag-ama ay lumapit kay Col. Marlon Quimno, ng CIDG National Capital Region na kaagad nag-set-up ng entrapment operations laban sa mga suspects sa Marikina City.
Nakumpiska sa tatlo ang P1,000 bill at boodle money. Behhh buti nga! Nagsagawa ng follow-up operations ang mga bataan ni Quimno sa opisina ng tatlong suspects sa Paranaque City subalit hindi nila inabutan ang apat pang kasamahan ng mga ito.
Kasalukuyan silang hinahanting ng mga bataan ni Torre. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ayon kay Turingan, ipinagyayabang ng suspects na may kakutsaba sila sa Commission on Elections na pinabulaanan naman ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino. “We already have a certification from the personnel department that these persons are not in the list of employees of the Comelec” ani Ferolino.
“Wala silang records sa Comelec pero sila ay nagpapanggap, nagsusuot kunwari ng jacket na may logo ng Comelec. Madaling magpanggap but upon verifying our records wala sila sa listahan whether regular employee or job order employees ng Comelec,” dagdag pa ni Ferolino.
Sinisiguro ni Ferolino na walang sinuman ang may kayang ma-manipulate ang resulta ng daratng na elections. Mismooo!
Masaya naman ang matandang Turingan at makukulong na ang scammers.
“Ngayon kahit hindi na ako manalo sa election, panalo pa rin ako kasi naipahuli ko sila,” ayon pa kay Turingan. Ang suspects ay kasalukuyang nakakulong sa CIDG headquarters at nahaharap sa samu’t saring kaso. Abangan!
- Latest