Nakapananabik, ‘nakababatong’ kuwento ng tatlong prinsipe

MALUBHANG nagkasakit si Haring Fernando ng Berbanya. Inatasan ang panganay na anak na Don Pedro na hanapin sa gubat ang Ibong Adarna. Ang awit ng ibon umano ang makakapag-hilom sa hari.
Makalipas ang ilang araw natagpuan ni Don Pedro ang Ibong Adarna. Pitong beses ito umawit at napa-himlay ang prinsipe. Iniputan siya ng ibon. Bigla siya naging batong estatwa.
Inatasan ng hari ang pangalawang anak na Don Diego hanapin ang kuya at ang Ibong Adarna. Natagpuan ito ni Don Diego. Tulad ni Don Pedro, inawitan, nakatulog, iniputan, at naging batong estatwa siya.
Torno naman ni bunsong Don Juan hanapin ang mga kapatid at ang Ibong Adarna. Nakasalubong niya sa gubat ang matandang ermitanyo. Binigyan siya ng gintong lubid na panali, isang baldeng tubig, sundang, at lemon.
Anang ermitanyo, sugatan niya ang sariling braso at pigaan ng lemon para hindi maakit ng ibon na matulog. Ibitag daw niya ito. Buhusan ng tubig ang dalawang estatwa para mabuhay.
Simula pa lang ito ng mahabang kwento na sumikat sa Islas Filipinas nu’ng ika-19 siglo. Hindi na mabilang ang maraming bersiyon at pagtatanghal nito.
Nainggit si Don Pedro at Don Diego sa tagumpay ni Don Juan. Binugbog siya ng dalawang kuya, iniwan sa tabing daan, at inuwi ang Ibong Adarna sa Berbanya.
Pero ayaw umawit ng ibon. Susunod lang ito sa nakahuli sa kanya. Nanatiling nakaratay ang hari. Lumungkot sa pagkawala ni Don Juan.
Nakauwi rin si Don Juan. Pinatawad ang mga kapatid. Gumaling sa sakit ang hari. Kokoronahan na bagong hari si Don Juan. Nagselos na naman ang mga kapatid. Inagawan siya ng nobya. Nilinlang na tumungo sa Kaharian ng Kristales. Doon, nagalit si Haring Salermo kay Don Juan.
Mahaba pa. Kundi sa anghel dela gwardya, patay si Don Juan.
- Latest