^

PSN Opinyon

1,001 kapana-panabik na kuwentong iwas-bitay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
1,001 kapana-panabik na kuwentong iwas-bitay

NAGWALA si Emperador Shahryar ng Persia nang ­mabalitaan na kinaliwa ng asawa ang kapatid niyang prinsipe. Mas lalo siyang nagalit at pinugutan ang sariling asawa na pinendeho rin siya.

Taksil lahat ng babae, pasya ni Shahryar. Nagpakasal siya araw-araw, nakipagtalik sa gabi, at pinapatay ang asawa bago mangaliwa.

Pero iba ang huling asawang si Scheherazade. Unang gabi pa lang, kinuwentuhan niya si Shahryar ng alamat. Pero hindi nito tinapos dahil antok na raw.

Sa kasabikang marinig ang karugtong, hindi pinatay ni Sharhyar si Scheherazade nu’ng umaga. Nagkuwento ulit nu’ng ikalawang gabi at bitin na naman ang wakas. Hindi na naman pinatay ang babae.

Paulit-ulit sila nang 1,001 gabi. Inipon ng mga pantas ang maraming alamat, tula, dula, awit, at bugtong ni Scheherazade. Ipinasa sa maraming henerasyon. Sinalin ni Frenchman Antoine Galland at isina-librong “One Thousand and One Arabian Nights”.

Isiningit ni Galland ang tatlo pang kuwento mula India. Ito ang naging mga pinaka-sikat na kabanata ng libro:

• Sa “Pitong Paglalayag ni Sinbad” sinalaysay ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng isang mandaragat.

• Sa “Aladdin at ang Mahiwagang Lampara”, natutupad ang mga hiling ng binatilyo sa genie sa loob ng urna.

• Sa “Ali Baba at 40 Magnanakaw”, biglang yaman ang maralitang magkakahoy nang matagpuan ang kuweba ng alahas at ginto.

Bago isinalibro nu’ng 1706, isa’t kalahating milenya muna itong kumalat bilang salitang panitikan sa Persia, India, Anatolya (Turkey), Central Asia, China, Gitnang Silangan, at Hilagang Africa.

Mayroon kasing kapana-panabik na kuwentong Tagalog na parang “One Thousand and One Arabian Nights”.

Abangan bukas.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

BITAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with