^

PSN Opinyon

Sariling bahay susi sa seguridad sa buhay

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Bahagi na ng aking pag-iikot sa ating mga barangay ang pakikipag-usap sa ating QCitizens. Iba’t ibang paksa ang aming napag-uusapan, mula sa maliliit na isyu hanggang sa mga seryosong bagay.

Isa sa mga bagay na palagi kong natatanong sa kanila ay paano ba magkakaroon ng seguridad sa buhay. Iba’t ibang sagot ang aking nakukuha. Ang iba, kailangan nila nang maraming pera para ito’y maging katuparan.

Para naman sa ilan, ang seguridad sa buhay ay nakasalalay sa magandang trabaho o di kaya’y malakas na negosyo.

Pero karamihan ng mga sagot na nakukuha ko ay ang pagkakaroon ng sariling bahay. Ang magkaroon ng bahay na matatawag nilang kanila ang susi sa pagkakaroon nila ng seguridad sa buhay.

Kung titingnan, maganda talaga na magkaroon ng sariling­ bahay. Menos gastos dahil hindi mo na puproblemahin ang buwanang upa. Ang ipambabayad sa upa, mapupunta na lang bilang dagdag na panggastos sa iba pang mahalagang panga­ngailangan ng pamilya.

Kaya patuloy ang pagsisikap ng inyong lokal na pamahalaan para maging katuparan ang pangarap na ito ng kara­mihan sa ating QCitizens.

Bilang bahagi ng hangarin nating ito, pumasok tayo sa isang Memorandum of Agreement sa 8990 Housing Development para mabigyan ng abot-kayang pabahay ang mga emple­yado ng lokal na pamahalaan at informal settler families.

Sa ilalim ng aming kasunduan, maglalaan ang 8990 Housing Development Corp. ng 2,699 housing units mula sa kanilang Urban Deca Homes Commonwealth project malapit sa Ba­tasan Road sa Barangay Commonwealth.

Mahalaga ang lokasyon ng pabahay na ito dahil hindi na kailangang lumayo at gumastos nang malaki sa pamasahe ang mga taga-Distrito Dos para makarating sa kanilang trabaho o paaralan.

Habang patuloy na lumalaki ang ating siyudad, nahaharap tayo sa napakalaking hamon na tiyaking may ligtas na tirahan ang ating mga residente.

Nagpapasalamat tayo sa 8990 sa kanilang tulong sa ating pangarap na mabigyan ng sariling tahanan ang maraming QCitizens.

Bahagi ito ng ating hangarin na walang maiiwan sa ating siyudad, at lahat tayo ay sama-sama sa pag-unlad.

QCITIZENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with