Ex-PNP chief na sabit sa pagtakas ni Guo, tukoy na!
Tatamaan ng kidlat ang ex-PNP chief na itinuturong tumulong kay ex-Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makalayas sa Pinas. Kahit sa Camp Crame at iba pang police headquarters at saang sulok man ng Pinas ay ito ang hot topic sa ngayon. Sino ba talaga si Sir? Tiyak si Sen. Risa Hontiveros at ang mga kasama niyang Senador ang nakaaalam.
Dahil tikom ang bibig ng mga senador, natural lang na ang lahat ng mga ex-PNP chief noong panahon ni Tatay Digong at President Bongbong Marcos ay suspect. Mismooo! Kinumpirma rin ni retired chief of CEISSAFP Raul Villanueva ang report na natanggap ni Hontiveros na P200 milyon changed hands sa pagtakas ni Guo. Eh di wow!
May usap-usapan din na noon pa man, nasa payroll ni Guo ang nasabing ex-PNP chief. Araguyyy! Kumita na si Sir kaya tiyak na panay ang biyahe nito sa abroad. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nadismaya naman si Sen. Bato dela Rosa sa isiniwalat ni Villanueva dahil siya ang kauna-unahang PNP chief sa panahon ni Tatay Digong. Kaya mabilis na na-grill ni Bato sina Villanueva at Guo kung siya ang tinutukoy na ex-PNP chief at nakahinga naman siya nang maluwag nang negatibo ang sagot ng dalawa.
Ayon kay Villanueva sigurado siyang hindi si Bato ang kumakalat sa kalye na nasa payroll at tumanggap ng pitsa kay Guo para ito makatakas. Si Guo naman ay tahasang nagsabing sa Senado lang niya unang nakita si Bato. Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw na malinis ang pangalan ni Bato kung si Bamban POGO queen ang pag-uusapan. Mismooo!
Pagkatapos ni Bato ang magkasunod na chief PNP ay sina Oscar Albayalde, Archie Gamboa, nasirang Pikoy Cascolan, Debold Sinas, Guillermo Eleazar, Dionardo Carlos, Vicente Danao, Jun Azurin, at Benjamin Acorda Jr. Sina Albayalde, Gamboa, Cascolan, Sinas, Eleazar, Carlos at Danao ay nasa panahon ni Tatay Digong samantalang sina Azurin at Acorda ay sa termino ni BBM.
Kung si Guo ay lumulan sa yate sa Mindanao, tiyak ang alipores ni Tatay Digong ang tumulong sa kanya subalit kung sa Luzon naman, lahat na sila. Hindi puwedeng si Azurin, na naging hepe ng APC Northern Luzon, bago mag CPNP dahil siya ang unang pinagkatiwalaan ni BBM na mamuno ng police organization.
Hindi rin tiyak si Acorda dahil siya ang nagpa-raid ng POGO sa Bamban sa termino niya. Take your pick mga kosa? Sino ang Hudas sa gobyerno ni BBM? Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Open secret naman sa Pangasinan na may relasyon si Sual Mayor Liseldo Calugay kay Guo subalit deny to death ang una. Si Calugay ay close friend ni ex-CPNP kaya nalakad na magka-payroll siya sa POGO ni Guo. Get’s n’yo mga kosa? Kung ang POGO ni Guo ay nagsimulang nag-operate mula 2019, abayyy kumita na ng milyones si ex-CPNP dahil travel-travel lang siya sa abroad. Mr. Clean ang imahe ni Sir pero may itinatago palang baho. Sanamagan!
Ayon naman sa intelligence community, may tatlong persons of interest (POI) na sila subalit ayaw pang ipabanggit ang pangalan. Kaya lang tukoy na ng mga pulis kung sino si Sir, di ba Boss Popong? Abangan!
- Latest