Quiboloy, sumuko dahil nakorner ni Gen. Torre!
NAGSIMULA ang negosasyon sa pagsuko ni Kingdom Of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy noong Setyembre 7. Hayan mga kosa! Maliwanag pa sa sikat ng araw na si Quiboloy ay sumuko at hindi inaresto. Mismooo! Kaya naman sumuko si Quiboloy dahil natukoy na at napaligiran ng operatiba ni PRO11 director Brig. Gen. Nicolas Torre III ang kinaroroonan niya.
Binigyan si Quiboloy ng 24 hours ultimatum para sumuko kundi’y wawasakin ang taguan niya. Araguyyyy! Kaya lang, na-delay ang paglabas ni Quiboloy dahil nagkaroon pa ng Senate hearing si Sen. Bato dela Rosa sa KOJC compound noong Biyernes. Dilatory tactics pa more! Sa ngayon, swak na sa banga si Quiboloy! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Actually, nagbalak ang kampo ni Quiboloy na sa kalapit na lugar na Kidapawan siya lulutang. Subalit sa last minute ay nakansel ito sa takot ni Quiboloy na ma-encounter ang grupo niya dahil wala silang dalang pang-ID. Get’s n’yo mga kosa? Kaya back to barracks….este back to KOJC ang tropa ni pastor.
Habang papalapit ang tropa ni Torre sa pinagtataguan niya, naisipan ni Quiboloy na sumuko sa AFP. Araguyyy! Ayaw ni Pastor mapasailalim sa custody ni Torre sa sobrang takot niya at baka manlaban siya. Ano ba ‘yan? Maaga pa lang nitong Linggo, pinasok na ng PNP at AFP ang KOJC para sa final assault, at biglang naglabasan ang mga sasakyan at may lumipad sa hangar para mag-create ng confusion o diversionary tactics.
At lumabas na sa lungga si Quiboloy, kasama ang kapwa akusado na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada at Sylvia Clemente.. Hayan, kumpleto-rekado na ‘yan mga kosa? ‘Wag maniwala sa mga credit grabber diyan! Ang sakit sa bangs nito! Hehehe! Puwede ring sabihin na inaresto kasi wala nang malulutusan kaya sumuko!
Ayon naman sa kampo ni Quiboloy, kaya ito sumuko ay para matigil na ang walang batas na karahasan sa KOJC compound dahil hindi niya kayang masaksihan kahit isang segundo ang pagpapahirap na dinaranas ng kanyang kawan sa loob nang maraming araw. Abayyy may puso rin pala si Quiboloy. Pero sana noong pangalawang araw pa lang ng pag-atake ni Torre sumuko na siya para hindi na humantong sa maraming kasiraan sa KOJC compound, di ba mga kosa?
Kaya naman na-delay ang pagsuko niya dahil sa hinihintay niya ang resulta ng pakikibaka ng kanyang mga abogado, na nauwi rin sa wala. Araguyyy! Nagdurugo ang puso ni Quiboloy sa nangyaring ginawa ng PNP na garrison ang KOJC compound, at nilapastangan ang KOJC Cathedral, JMC school at nagmina pa sa loob. Ano ba ‘yan? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Pinasalamatan naman ni Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy, ang mga opisyales ng AFP at PNP na nakipagnegosasyon sa pagsuko ng kliyente niya tulad nina CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, Army Maj. Gen. Allan Hambala, Edwin Jubahib, Col. Guilbert Roy Ruiz, Lt. Col. Jovily Camel Cabading, Lt. Col. Pete Malaluan, DI deputy chief Brig. Gen. Romeo Macapaz, Col. Cholijun Caduyac, Col. Mike Mangahis, Maj. Edgardo Bahan, Maj. Gen. Benjamin Silo Jr. at Ret. Col. Emil Zosa. Hehehe! I-promote lahat ang mga ‘yan President Bongbong Marcos Sir! Abangan!
- Latest