^

PSN Opinyon

Dandruff at nail fungal infection

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG dandruff o balakubak ay isang kondisyon sa anit na may kasamang sobrang pangangati at pagkatuklap ng balat­. Ito ay hindi naman nakahahawa at hindi seryosong sakit, ngu­nit ang pagkakaroon ng balakubak ay nakababahala sa iba.

Maraming posibleng dahilan ang balakubak gaya ng: dry skin, iritasyon, seborrheic dermatitis, psoriasis, eczema, yeast-like fungus o malassezia, hindi madalas na pagsa-shampoo at ensitibo ang anit sa mga ginagamit na hair products.

Paano ginagamot ang balakubak:

1. Mag-shampoo ng regular – Gumamit ng mild shampoo o non-medicated shampoo. Dahan-dahan itong imasahe sa anit para matanggal ang mga natuklap na balat. Banlawan itong mabuti.

2. Gumamit ng medicated shampoo kung malala ang kaso ng balakubak – Hanapin ang shampoo na naglalaman ng zinc pyrithione, salicylic acid, coal tar o selenium sulfide. Ang medicated shampoo na Nizoral 1% ay nakapupuksa ng balakubak sanhi ng fungi na naninirahan sa anit. Ang shampoo na ito ay mabibili sa botika over-the-counter o minsan kailangan pa nito ng reseta.

3. Itigil ang paggamit ng mga styling products – Ang hair sprays, styling gels, mousses at hair waxes ay nagiging dahilan para maging malangis o oily ang buhok at anit.

4. Kumain ng masusustansiyang pagkain – Kumain ng mga pagkain na nagbibigay ng sapat na Zinc at B Vitamins na makatutulong maiwasan ang balakubak.

5. Subukang gumamit ng tea tree oil. Ang herbal na ito ay nakatutulong mabawasan ang balakubak. Ang langis ng tea tree oil ay nakukuha sa dahon at ito ay ginagamit na antiseptic, antibiotic, at antifungal.

1. Kung ang balakubak ay lumala o ang anit ay nagkaroon ng iritasyon o sobrang pangangati, kumunsulta sa doktor.

* * *

Nail fungal infection

Ang nail fungal infection ay kadalasang nangayayari sa daliri sa paa dahil nakakulong ang mga ito sa madilim, mainit at mamasa-masang paligid ng sapatos.

Ito ay nagsisimula sa maliliit na puti o dilaw na spot sa kuko ng paa. Depende sa uri ng fungus, ang kuko ay maaaring mag-iba ang kulay, kumapal, maging malutong. Ang ibabaw ng kuko ay nawawala ang kintab.

Ang fungal infection ay dumarami dahil sa matinding pagpapawis, pagtatrabaho sa basang paligid, pagsuot ng sapatos ng matagal at kung may diabetes.

Para maiwasan ang nail fungal infection:

1. Iwasan na sobra ang haba o ikli ng kuko. Gupitin ang kuko ng diretso.

2. Panatilihin ang paa na laging malinis at tuyo. Tuyuin ang paa at pagitan ng mga daliri, pagtapos maligo.

3. Palitan ng madalas ang medyas, lalo na kung ang paa ay sobrang magpawis.

4. Hubarin paminsan-minsan ang sapatos tuwing umaga o pagtapos mag-ehersisyo.

5. Gumamit ng mga anti-fungal spray o powder sa iyong sapatos.

6. Huwag gupitin ang balat sa paligid ng kuko.

7. Iwasang maglakad ng nakapaa sa maruming pampublikong lugar gaya ng swimming pool, shower at locker rooms.

8.Subukan ang pagbabad sa suka. Wala pang matibay na ebidensya pero ayon sa pag-aaral, makapipigil ng pagdami ng mikrobyo ang suka. 

Ibabad ang mga paa ng 15 minutos sa pinaghalong 1 bahagi ng suka at 2 bahagi ng maligamgam na tubig. Kung ang balat ay mairita subukan ibabad ng dalawa hanggang tatlong beses bawat linggo o dagdagan ang dami ng tubig na ihahalo.

9.Kapag hindi pa umigi ang kondisyon ng iyong kuko, kumunsulta sa doktor.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with