^

PSN Opinyon

Kalusugan on-the-go hindi lang para sa #ProudMakatizens, sa sister cities din!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Isa na namang magandang balita ang hatid ko sa inyo! Noong Martes (Setyembre 3), inilunsad natin ang bago at makabagong portable X-ray system dito sa Makati. Isa itong malaking hakbang para mas mapalawak at mapabuti pa ang ating mga serbisyong pangkalusugan. Hindi lang ito para sa atin sa Makati, kundi pati na rin sa ating sister LGUs sa buong bansa.

Alam naman natin na hindi lahat ay may access sa mga doktor o ospital, lalo na sa rural areas. Kaya napakahalaga ng portable X-ray system na ito—madadala na natin ang ser­bisyong ito sa mga lugar na dati ay mahirap maabot. Isa itong napakalaking tulong, lalo na sa laban natin kontra tuberculosis (TB), na hanggang ngayon ay problema pa rin sa ating bansa.

Alam n’yo ba na sa kasalukuyan ay may mahigit 600,000 active TB cases dito sa Pilipinas, at marami pa sa mga ito ang hindi pa na-diagnose? Dahil sa kakulangan ng access sa serbisyong medikal, marami ang hindi na-diagnose nang maaga. Kaya naman, sa tulong ng portable X-ray na ito, mas marami tayong maaabot at matutulungan na hindi na kailangang bumiyahe nang malayo para lang magpa-checkup.

Ang layunin natin ay matulungan hindi lang ang mga taga-Makati, kundi pati ang mamamayan ng ating sister LGUs. Gusto natin na kahit nasa malalayong lugar, may access pa rin sila sa tamang diagnostic tools para sa TB. Ang maagang pagtukoy ng sakit ay susi sa maagang paggamot—at ‘yan ang gusto nating ibigay sa mga kababayan.

Bukod dito, pinalalakas din natin ang partnership sa TB People Philippines sa pamumuno ni Ma. Eloisa Zepeda-Teng. Magtutulungan kami para mas maagang matukoy at magamot ang TB. At gusto rin nating ipaalam sa lahat na ang TB ay hindi lang sa baga, maaari rin itong makaapekto sa iba pang bahagi ng katawan.

Hindi lang ito ang una nating hakbang pagdating sa makabagong teknolohiya para sa kalusugan. Nauna na tayong nagkaroon ng AI-powered PET/CT scanner dito sa Makati Life Medical Center para mas maagang ma-detect ang cancer. At siyempre, patuloy nating pinagaganda ang ating Health Information Management System para mas mabilis at maayos ang serbisyo sa health centers natin.

At para naman sa mga may Yellow Card, huwag kalimutang may free access kayo sa KonsultaMD telehealth services—ibig sabihin, puwede kayong magpakunsulta sa doktor anumang oras, kahit hindi pumunta sa clinic o ospital.

Sa Makati, patuloy tayong nangunguna sa pagbibigay ng dekalidad at makabagong serbisyong pangkalusugan. Hindi tayo titigil hangga’t hindi nasisiguro na bawat Makatizen at bawat Pilipino ay may access sa serbisyong karapat-dapat sa kanila.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with