^

PSN Opinyon

P64 pinagkasya niya sa 3 kainan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sixty four pesos na pangkain ng indibidwal kada-araw. Kung ‘yan ang gastos mo, hindi ka pobresito sa pagkain, ayon sa NEDA.

Natawa, nabuwisit ang mamamayan sa lantarang kabulaanan.

Ano ba ang mabibili ng P64, usisa ni Rep. France Castro. Sagot ng isang DTI undersecretary: instant noodles, P7, at kapeng 3-in-1, P4.

Lalong natawa at nabuwisit ang mamamayan. Ang isang pakete ng instant noodles ay P15 sa sari-sari store, ku’ng saan bumibili ang maralita. P10 kada sachet ang 3-in-1 coffee.

At maski sa mas mataas na mga presyong ‘yon, kakain ka ba at mga anak mong musmos ng instant noodles at magkakape araw-araw? Aba’y magkakasakit kayo sa bato. Mababansot ang mga bata.

Ang P64 ay kulang sa isang order sa turo-turo ng isang kanin at isang ulam. Ku’ng isang kainan ay kulang na ‘yon, paano mapagkakasiya ito sa tatlong meals kada araw?

Kanin, Toyo, Mantika
Photo ng Klasik Titos and Titas of Manila

Ito ang payo ng netizens para mapagkasya ang P1,000 sa isang linggong kain:

Lunes: Sipol sa umaga, paragis (damong ligaw) at kanin sa tanghali, tirang kanin at sabaw ng pork cubes sa gabi.

Martes: Wag mag-almusal, intermittent fasting ka; instant noodles sa tanghali; chichirya at kanina sa gabi.

Miyerkules: Midweek prayer at fasting. Walang kain ngayon.

Huwebes: Isang saging sa umaga, Isang itlog sa tanghali, singhot ng White Flower sa gabi.

Biyernes: Hot Americano at splenda sa umaga, malunggay ng kapitbahay sa tanghali, Samgyupsal sa gabi.

Sabado: Makikain sa binyag sa umaga, Makikain sa kasal sa tanghali, Makikain sa debut sa gabi.

Linggo: Walang kain ulit. Magdasal na lang.

vuukle comment

NEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with