Isko, naglaro ng pusoy sa lamay sa Tondo!
Naiiba ang estilo ni ex-mayor Isko Moreno para makasungkit ng boto para sa 2025 midterm elections. Wala nang makakapigil kay Isko na bumalik sa Maynila? Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Kasi nga nag-viral sa social media ang pagtungo ni Isko sa isang lamay sa Tondo kamakailan kung saan nakilaro siya ng pusoy. Habang naglalaro, nakipagbiruan at nakipagtawanan si Isko sa mga nakapaligid na players at miron. Habang sa kalagitnaan ang pusoy may nagsisigaw ng “Yorme” at “Babalik ka na”. Ano ba yan? Walang atrasan na kaya ito para kay Isko? Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Sa video si Isko, nakasuot siya ng puting t-shirt na may markang “Yorme” sa kaliwang dibdib. Nakasombrero rin siya na may malaking letter “Y” sa unahan. Pinalitan ni Isko ang nakaupo sa lamesa para siya ang maglaro ng pusoy. Talo ang baraha ni Isko at goodbye na lang sa taya na P100. Kaya lang, sa pagtayo niya, dumukot siya ng pitsa sa bulsa sabay sabi sa pusoy player na natalo nga siya subalit nanalo naman ng P1,000. Sabay alis ni Isko na nakatawa. Ang caption ng video ay, “Pusoy sa lamayan!”
Mula noon hanggang ngayon ganito makisama ang “Batang Maynila Yorme Isko Moreno Domagoso”. Kagaling na gimik ito ni Isko, ‘no mga kosa? Kung sabagay, kaya binansagan na Batang Maynila si Isko dahil laking kalye talaga siya. Hehehe! Kaya sa mga Manilenyo r’yan, ‘wag kayong magtaka kung biglang sumulpot si Isko sa lugar n’yo dahil nanunungkit s’ya ng boto. Dipugaaa!
Si Mayor Honey Lacuna-Pangan naman ay dumadalaw din ‘yan sa mga lamay. Tandang-tanda ko pa na nang pumanaw ang bilas ko, na matagal nanungkulan sa City Hall, sumipot sa burol si mayora, kasama si Yul Servo. Bago pa maghalalan noong 2022 at si Isko ay kandidato sa pagka-presidente. Sa isang sulok lang sina mayora at Servo at naririnig pa silang nag-uusap na tatalunin ni Isko ang mga katunggali niya kapag ang usapan ay kampanyahan sa mga squatters at liblib na lugar.
Subalit sa kinalabasan ng bilangan, No. 3 lang si Isko sa Maynila, kung saan siya ay incumbent mayor, na ikinasama ng loob ni Pang Edd Gumban at tinawag pa ang mga Manilenyo na “mga walang utang na loob.” Magkaiba talaga ang estilo nina Mayor Lacuna-Pangan at Isko pagdating sa lamay, ‘no mga kosa? Ang sakit sa bangs nito.
Patuloy lang ang loyalty check ni Mayor Lacuna-Pangan sa mga empleyado ng City Hall na ang target ay supporters ni Isko. Nakatingin ang mga Manilenyo kung kasama ba sa loyalty check si City Administrator Bernie Ang. Si Ang mga kosa ay dating lovey-dovey kay Isko subalit sa ngayon ay “little mayor” ni mayora. Torn between two lovers si Boss Bernie. Ano sa tingin mo Boss Bong? Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Teka nga pala, napag-usapan na rin lang ang social media, napansin ng mga kosa ko si Mayor Lacuna-Pangan na naglilibot sa Maynila sa kasagsagan ng bagyong Carina. Kaya lang may nag-post din ng lumang pics ni Isko na lumusong sa ga-baywang na baha at nakakapit sa lubid para hindi maanod. Abangan!
- Latest