^

PSN Opinyon

Mga benepisyo ng sili sa katawan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAHILIG ba kayo sa sili? Alam n’yo bang bukod sa pampa­gana ito sa pagkain, may benepisyo pa ang sili.

Hindi pa ito tiyak ngunit mayroon nang pagsusuri na nagpapakita na may tulong ang sili sa katawan.

Ang sikretong sangkap ng sili ay ang capsaicin. Sa katu­nayan, ginagawa nang supplement o capsula ang capsaicin. Ang sili ay mayaman din sa vitamin A, vitamin C, potassium, folic acid at fiber.

Maraming klase at kulay ang sili at mayroon ding hindi maaanghang. May kulay dilaw, berde at pula. Mas mabisa raw ang pulang sili.

Heto ang mga posibleng benepisyo ng sili:

1. Para sa may diabetes – Ayon sa pag-aaral, posibleng mapigilan ng sili ang pagkakaroon ng diabetes. Nakita rin na nagpapababa ng blood sugar ang sili.

2. Pampapayat – Ang sili ay nagpapabilis ng metabolism at nagpapainit din ng katawan. Dahil dito, mas madali tayong makakatanggal ng calories para pumayat.

3. May tulong sa cholesterol at sakit sa puso – Ayon sa pag-aaral, maaaring mapigilan ng sili ang pagbabara sa ugat ng puso. Nagpapababa rin ng lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.

4. Nagpapaluwag ng baradong ilong dulot ng sinusitis at sipon.

5. Pang-alis ng sakit sa katawan – Ang sangkap na capsaicin ay puwedeng makaalis ng sakit sa katawan. Ang sili ay ginagawang pampahid sa masakit na joints at arthritis.

6. Marami pang pinag-aaralang benepisyo ang sili. Nalaman din na posibleng makapigil sa kanser tulad ng prostate cancer.

Para sa may almoranas, konti lang ang kainin na sili. Puwede rin piliin ang siling hindi gaanong maanghang. Wala pang malinaw na rekomendasyon kung gaano karaming sili ang kakainin.

Para sa akin, wala naman masama kung paminsan-minsan tayong kumain ng sili, bilang gulay o sawsawan. Tandaan lamang na pantulong lang ito sa sakit.

Kailangan n’yo pa ring magpasuri sa doktor para sa tamang gamutan.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with