^

PSN Opinyon

Election at demolisyon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Napapansin n’yo ba na tuwing malapit na ang election ay nagsusulputan ang mga exposé laban sa kung sinu-sinong personalidad?  Wala akong tutol sa mga paglalantad ng katiwalian kung may basehan at katotohanan. Kailangan iyan para maalis sa pamahalaan ang mga pana­namantala sa bayan sa layuning magpataba ng bulsa ang mga dorobong pulitiko.

Ngunit kung kaduda-duda ang mga ipiniprisintang ebidensiya at ang timing ay itinaon sa gaganaping midterm elections sa susunod na taon, halatang may masamang motibo. Pera-pera lang iyan. Naglalaan na nang malaking pondo ang mga tiwaling pulitiko para sa kanilang demolition project. Sinusuhulan pati media practitioners kasama ang mga buwang na vloggers para  palobohin ang isyu laban sa nais nilang siraan.

Nauna na nating nabalitaan ang deep fake video ni Pre­sident Bongbong Marcos na sumisinghot daw ng cocaine na batay sa pagsusuri ay manipulado at hindi si Marcos ang totoong nasa larawan. Sadyang marami nang puwedeng gawin ang technology sa artificial intelligence ngayon.

Ngunit kahit hindi na puwedeng tumakbo si Marcos, ito ay makasisira sa mga eendorso niyang kandidato. Kaya magkakaugnay ang demolisyon, eleksyon at ang dulot nitong konsumisyon sa bayan.

Ngayon naman, ang winawasak na personalidad ay ang chairman ng Comelec na sinasabing may mga secret bank deposits abroad na “bribe money” sa kanya upang mandaya sa gaganaping eleksyon. Pinabulaanan na ito ni Comelec chairman George Garcia at naghamon pa sa makakapagpatunay na totoo ito na ibibigay niya ang lahat ng kayamanan niya.

Kung ang mga ganyang naibubunyag ay may mabuting layunin, bakit itinataboy sa panahon ng halalan? Palagay ko naman, higit nang matalino at mapanuri ang mga Pilipino. Hindi na sila agad-agad magpapatangay sa mga demolition job.

vuukle comment

MOTIBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with