^

PSN Opinyon

Nasaan na ang kinakasuhan?

Pilipino Star Ngayon

Santambak na kaso na ang iniharap laban sa suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. Bukod sa pagkakasangkot sa ilegal na POGO pinakakasuhan siya ng Comelec ng misrepresentation na may kaugnayan sa paghaharap niya ng certificate of candidacy nang tumakbo siya sa pagka-mayor ng Bamban.

Ito’y matapos masilip ng Comelec na ang kanyang pirma ay nagtugma sa lagda ng Chinese national na si Guo Hua Ping sa pasaporte ng huli. Ibig sabihin, hindi siya kuwalipikadong kumandidato dahil siya ay banyaga.

Ang problema, bakit kagaya ni Apollo Quiboloy ay hindi matunton ang kinaroroonan ni Guo? May suhulan bang nangyayari o sadyang may kinakapitang padrino sa gobyerno ang mga ito?

Sa mga low profile criminals, madaling matunton at matukoy ang mga taong may warrant of arrest. Ngunit kapag high profile na at may mga maimpluwensiyang protector, parang madulas na palos ang mga wanted ng batas.

Minsan naman, pera ang pinaaandar ng mga taong ito na kayang magsuhol ng milyones para takasan ang batas.

Si Justice Secretary Boying Remulla mismo ang nagbunyag na sa Bureau of Immigration ay marami pa ring tumatanggap ng bribe money. Pati raw yung mga Intsik na dinideport ay ini-extort ng salapi para mabinbin ang deportasyon. Nakakahiya ang reputasyong ito na batik sa pamahalaan.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with