^

PSN Opinyon

Pilipinas pinasok na ng Chinese army

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Warning ni Presidente Bongbong Marcos: “Pilipinas dapat maghanda sa external threat”.

Obviously, ang tinutukoy ng Presidente ay ang banta ng China na walang humpay sa pagkamkam sa kabuuan ng South China Sea, pati na sa bahaging may legal na kara­patan tayo.

Ngunit tila hindi lamang external kung internal na ang bantang dulot ng mga Intsik sa pambansang seguridad. Ang pagkakatuklas ng mga unipormeng militar ng China sa sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga ay indi­kasyong may maitim ng balak ang mga Intsik. Nakakatakot!

Gaya ng mga ginawa ng mga Japanese traders sa Pili­pinas bago mag-World War II, sila ay nagsipagsuot ng uni­porme militar nang magdeklara ng digmaan ang imperial government ng Japan.

Mukhang estratehiya ito ng mga Intsik sa sandaling giye­rahin sila ng U.S. sa pinaplanong pagbawi sa lalawigan ng Taiwan. Kung nakadeploy nga naman ang mga kawal ng China sa Pilipinas na kaalyado ng U.S., may bentahe na agad sila sa pakikihamok.

Sinasabi na malupit ang mga sundalong Hapones noong WW2. Pero ngayon pa lang na involved sa pag-torture ng mga kalaban nila ang mga tauhan ng POGO, malamang, higit ang kalupitan ng mga Intsik. Mga nilukuban na ng de­monyo ang gumagawa ng ganyan.

Ewan ko ba kung bakit marami pa rin sa mga opisyal na pamahalaan ang dumedepensa sa POGO pati na ang mis­mong dating President Duterte. Talaga yatang sagad hanggang buto ni Duterte ang loyalty sa China. Balak yata niyang maitalagang bise ni Xi Jinping.

Dapat nang ideklarang ilegal ang POGO at panagutin pati ang mga Pilipinong tagapagtanggol nito. Mga traydor sila. Mga taksil!

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with