^

PSN Opinyon

EDITORYAL — POGO sa Porac, mas matindi kaysa Bamban

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � POGO sa Porac, mas matindi kaysa Bamban

MAS hamak na sophisticated at makabago ang POGO hubs na sinalakay sa Porac, Pampanga kaysa sa POGOs sa Bamban, Tarlac. Ang POGOs sa Bamban ay nasa isang compound na walong ektarya ang laki at may 36 na gusali. Sinasabing pag-aari ni Bamban Mayor Alice Guo ang compound na mariin naman nitong itinanggi. Wala raw umano siyang kina­laman sa POGOs. Ang compound ay malapit lamang sa municipal building ng Bamban.

Nakakalula ang sinalakay na POGO hubs sa Porac na nasa 10 ektaryang lupain at may 46 na gusali. Nang salakayin ng PAOCC ang POGO hubs, natambad ang maraming computers, laptops, iba’t ibang gadgets at mga makabagong gamit. Kahapon, sinabi ng PAOCC na nakakumpiska rin sila ng pera, sex toys at mga uni­porme ng People’s Liberation Army (PLA) ng China. Inaalam pa ng mga awtoridad kung tunay ang mga uniporme ng PLA.

Unang sinalakay ng PAOCC ang POGO hubs sa Porac noong Hunyo 2 nang makatanggap sila ng report na may mga foreign nationals na humihingi ng tulong. Nakakuha sila ng search warrant sa RTC sa Bulacan, subalit hindi naipagpatuloy ang pag-search dahil may mga nakikialam. Dahil sa pagkaantala ng pagsalakay, nakatakas ang mga nasa POGO hub.

Nang makakuha ng bagong search warrant sa Nueva Ecija RTC ang PAOCC saka naipagpatuloy ang pagsalakay. Nakita sa sinalakay na gusali ang torture chamber. Ayon sa PAOCC pinahihirapan ang mga empleyado na hindi nakakaabot sa quota. Isang Chinese ang na-rescue ng PAOCC. Maraming sugat sa katawan ang Chinese na halatang sumailalim sa torture. Nakaposas umano sa kama ang Chinese nang ma-rescue.

Mas maraming natuklasan sa POGO hubs sa Porac kaysa Bamban. At sobrang lawak ng lugar na pinagtayuan ng mga gusali—46 na gusali. Nakapagtataka ang dami na parang hindi lang para sa POGO operation ang gagawin. Parang ang mga gamit na natagpuan ay pang-espiya.

Sa lahat ng mga natuklasan sa Porac, maitatanong kung nalaman ba ito ng mayor doon. Sa lawak at dami ng building, hindi ba nagtaka ang mayor? Katulad ng mayor sa Bamban, wala rin kayang pakiramdam ang Porac mayor? O wala ring maalala?

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with