^

PSN Opinyon

Abot-kamay na kalinga sa laban kontra kanser

Philstar.com
Abot-kamay na kalinga sa laban kontra kanser
Kasama ang ilan pang cancer champions sa Philippine National Cancer Summit 2024.

Habang tumatagal, mas dumarami ang mga may kanser sa ating bansa at maging sa buong mundo. 

Sa mga kababaihan, breast cancer ang pinakapangkaraniwang uri ng cancer, samantalang lung cancer naman sa mga kalalakihan. Ang nakaka-alarma rito, humigit-kumulang 65% ng pasyente ay nada-diagnose lamang pagdating ng late stages ng sakit dahil sa kakulangan ng kaalaman ukol sa early detection. Ibig sabihin, karamihan sa mga kaso ng breast cancer, at iba pang mga uri ng kanser, ay hindi nadidiskubre at nagagamot nang maaga. 

Mahalaga ang early detection sa pagkontra ng kanser dahil mas lumalaki ang tsansang gumaling ang pasyente, mas madali ang uri ng gamutan, at mas mabilis ang recovery dahil hindi na gaano pang lalala ang side effects ng mga treatment.

Bukod pa rito, kung mas maaga ang diagnosis ng pasyente, maaaring maging mas magaan ang gastos ng gamutan. 

2024 Philippine National Cancer Summit nakatuon sa NICCA law

Ang implementasyon ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA) bilang batas at isang landmark legislation para sa healthcare sa ating bansa ang naging sentro ng 2024 Philippine National Cancer Summit.

(Mula sa kaliwa) Sina Phil. Cancer Commission Chairman Dr. Ramy Roxas, DILG Sec. Benjamin Abalos Jr., at Phil. Cancer Head Dr. Alfonso Nunez III sa pagbubukas ng Philippine National Cancer Summit 2024.

Ang tema ng summit ay "Advancing Integrated Cancer Care Systems for the Filipino" na tumutugon sa mga layunin ng NICCA para sa lahat ng cancer patients sa ating bansa.

Isa sa mga nangungunang probisyon ng NICCA ay ang pagbuo ng Philippine Cancer Center, na magiging sentro ng paggamot sa mga may kanser, at research at training naman para sa medical professionals at espesyalsta nito.  Hangarin din ng batas na ito ang pagsasaayos ng Cancer Assistance Fund para masuportahan ang mga kapus-palad na Pilipino na lumalaban sa kanser.

Ang NICCA ay isang napakahalagang batas para sa paghahatid ng kalinga sa mga may kanser. Mula sa pagtatayo ng isang centralized hub, hanggang sa paghahatid ng abot-kamay na cancer treatment sa mga mahihirap, hangad ng batas na ito na magkaroon ng kakampi ang cancer patients sa bansa.

Mga nagkakaisang boses at pananaw sa cancer care

Ang ginanap na summit ay nagsilbing isang forum para sa iba't ibang mga stakeholder mula sa gobyerno at sa sektor ng kalusugan para maibahagi ang kanilang mga pananaw at makabuo ng isang epektibong stratehiya sa laban kontra-kanser.

Sa kanyang keynote address na binasa ni Philippine Cancer Center Head Dr. Alfonso Nunez III, ipinarating ni Department of Health Secretary Teodoro “Ted” Herbosa ang kahalagahan ng abot-kamay na cancer screening.

"Sa gitna ng ating national cancer strategy ay ang maaga at regular na screening measures tulad ng sapat na pagkakataon para sa physical checkups. Kasama na rito ang breast examination, partikular ang mammograms, cervical screening, at iba pa," aniya.

"Ang early detection ay kayang magsalba ng buhay dahil makakapaghatid ito ng interventions kung kailan mas mataas ang tsansa ng paggaling ng pasyente."

Nangako si Cong. Jude Acidre (Tingog Partylist Representative) ng paggawa ng mga hakbang para mas mailapit sa publiko ang agaran at abot-kayang paggamot sa mga may kanser.

Binigyang pansin naman ni Philippine College of Surgeons Cancer Commission Foundation (PCS CanCom) Chairperson Dr. Manuel Francisco “Ramy” Roxas ang kahalagahan ng mga pagsasamang katulad ng summit para magkaroon ng isang "whole of society strategy" sa pagtugon sa kanser.

Cancer care na magsisimula sa LGU level

Para kay Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., mahalaga ang ginagampanan ng mga Local Government Unit (LGU) sa laban sa kanser.  Ang LGU kasi ang lumalabas na frontliner para matupad ang layunin ng NICCA na walang Pilipino ang haharap nang nag-iisa sa kanser.

Nangako si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng karagdagang pondo para sa cancer care ng QCitizens.

Ibinahagi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga inisyatibo ng kanilang siyudad upang sila ay magkaroon ng lokal na bersyon ng NICCA. "Ang ating lokal na pamahalaan ay kayang mag-allocate ng aming resources kapag mayroon na tayo ng sariling bersyon ng batas na ito. Hangad natin na maipatupad na ito sa pagtatapos ng second quarter ng taon," aniya.

Ang 2024 Philippine National Cancer Summit ay hindi lamang isang conference.  Ito ay isang call-to-action at isang mahalagang pagtitipon para sa pagkakaisa, pagbabago, at adbokasiya na naglalayong maghatid ng pagbabago para sa cancer patients sa bansa.

Art therapy bilang malaking tulong para sa pagpapagaling mula sa kanser.

Sa gitna ng lahat ng ito, mahalaga ang cancer literacy at education. Kung ang bawat isa ay may kaalaman para matukoy ang mga sintomas, makapagdesisyon nang tama, at malaman ang katotohanan tungkol sa kanser, malaking tulong ito sa laban para matalo ang nakamamatay na sakit. 

Sana'y magpatuloy pa ang pagsulong ng ating mga lider sa iba't ibang sektor na maihatid ang mga inisyatibong kinakailangan para ganap na magtagumpay sa laban ng kanser.

---

Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook at YouTube (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). Sundan din ang aking social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTiktok, and Twitter.  Ipadala ang inyong mga suhestiyon at kuwento sa [email protected].

vuukle comment

CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with