^

PSN Opinyon

Gentlemen’s agreement nakakakilabot talaga!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Kailan kaya sisimulan ng Senado ang imbestigasyon sa gentlemen’s agreement ni dating President Duterte at Chinese President Xi Jinping kaugnay sa isyu ng BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal. Dahil sa Sierra Madre, kaliwa’t kanan ang pangha-harrass ng China Coast Guard (CCG) sa mga vessel ng Pilipinas na naghahatid ng suplay sa mga sundalo nagbabantay sa nasabing barko.

Noong isang araw nagkaroon ng naval drill ang U.S. Japan at Pilipinas sa exclusive economic zone. Nakamasid lang ang CCG habang nagsasagawa ng drill. Pero matapos ang drill, hinarass muli ng CCG  ang mga barko ng Pilipinas.

Hanggang kailan ang pangha-harass ng China? Maraming beses nang binomba ng tubig ng CCG ang Philippine Coast Guard (PCG) at nasaktan ang mga sakay nito. Pati ang vessel na naghahatid ng supply ay binomba at nasira ang salamin.

Sabi ni President Marcos Jr. bago tumulak sa U.S. noong isang araw, nakakakilabot ang gentlemen’s agreement na pinasok ng dating administrasyon kay Xi Jinping. Ibig sabihin, magpapaalam pa sa China kapag nagdala ng supply sa mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na sakop naman ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Hindi naman daw tama ang ganito. Sabi pa ng Presidente, ipatatawag niya ang ambassador ng China para pagpaliwanagin sa nasabing kasunduan ng dalawang pinuno.

Paano kung lumabas na may kasunduan nga si Duterte at Xi? Paano kung mayroon ngang verbal agreement? Palagay ko, dapat panagutin ang dating Presidente? Palagay ko rin, kaya gustong kamkamin ng China ang WPS ay dahil may mina ng natural gas. Hindi magiging agresibo ang China kung wala silang mapapakinabang sa WPS.

Umpisahan na ng Senado ang imbestigasyon sa gentlemen’s agreement para malaman ang katotohanan. Sa mga magigiting na senador, huwag kayong maging kasangkapan para pagtakpan ang isyung ito.

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with