^

PSN Opinyon

Election scammers aatake na naman

AKSYON NGAYON - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Sa palagay ko naman, ang bawat kumakandidato for public­ office ay matalino at may pinag-aralan at hindi kagyat mani­niwala sa mga manloloko. Ito’y tungkol sa umano’y sindikato na nag-aalok ng serbisyo sa mga politiko upang tiyakin ang panalo kapalit ng Php 100 milyon.

Magaling ang salestalks ng mga ito. Sasabihin sa pros­pective victim na hindi na nila kailangang kumampanya. Kahit matulog lang ay siguradong wagi!

Ipinangangalandakan ng grupong ito na may insider sila sa Information Technology system ng COMELEC na puwe­deng magmanipula ng counting machine upang siguruhin ang panalo ng mga kandidato. Mismong COMELEC na ang nagbigay ng warning na ito kaya maging alerto sa ganitong mga scammers ang politiko upang huwag mabiktima.

Laganap daw ang pagkilos ng sindikato sa Luzon at Min­danao na ang tinatarget ay mga tumatakbo sa pagkaalkalde. Kahit alam kong matatalino ang mga kandidato, mabuti nang bigyang diin natin ang warning na ito ni COMELEC Chair George Garcia.

Malay natin, baka may mangilan-ngilang bopol na politiko ang kumagat sa alok na ito. Aba e, malalaki ang campaign funds ng mga kandidato. Pero kahit donation lang iyan ng mga supporters, ang isandaang milyon ay malaking kayamanan.

Kahit pa sampung milyon pisong advance payment ay malaking halaga kung ang sindikato ay makakapang-uto ng maraming gullible na kandidato. Mabuti kung huwag bigyan ng tsansa ang mga ito para huwag nang ulitin ang kanilang bulok na estilo.

Kaysa ibigay sa scammers, itabi mo na lang. Sa ganyan, matalo ka man ay may pera ka. Bawal din iyan pero maraming­ politiko ang nagsusubi ng campaign money para sa sarili. Sabi nga, they are running for the funds of it!

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with