^

PSN Opinyon

Serbisyong todo ng PhilHealth kahit may inflation

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Walang tigil ang PhilHealth sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga pasyente, lalo na ‘yung mga maralita, alinsunod sa mandatong itinadhana ng Universal Health Care Law.

Hindi hadlang sa pagbibigay ng excellent medical service ang pagtataas sa halaga ng bilihin at serbisyo. Para sa PhilHealth, tuloy ang trabaho para sa lahat ng Pilipino!

Layunin ng PhilHealth na iangat pa ang coverage ng ahensya sa mas maraming karamdaman at health services. Sa ganito’y lalung maging maluwag sa mga pasyente ang gastusin sa ospitalisasyon at iba pang medical services.

Marami pang mga case rates ang hindi pa naitataas mula noong 2013 nang ipatupad ang All Cases Rates Payment Schemes. Noong 2023, tatlong case rates ang nagawan na ng adjustment tulad ng:

High Risk Pneumonia na itinaas mula sa Php 32 libo na ginawang Php 90,100; hemorrhagic stroke, mula Php 36 libo na naging Php 80 libo at; Ischemic stroke, mula Php 28 libo na ngayo’y  Php 76 libo na.

Malaki ang nabawas sa perang ibinabayad ng pasyente mula sa sariling bulsa. Mayroong circular ang PhilHealth na naglilinaw sa mga kondisyon, rekisitos at iba ang ba­tayan kung kailan at papaano ipinatutupad ang case rate adjustment. Ito ay ang: 1) Average cost ng kaso o gamutan ng pasyente; at 2) Ang pinagmumulan ng pondo ng ahensiya gaya ng premium na binabayaran ng members, bahagi ng kinikita ng PAGCOR at PCSO at iba pang subsidy mula sa gobyerno.

Kinukonsidera rin ang inflation na nakakaapekto sa pag­taas sa halaga ng bilihin at serbisyo. Kaya ang kaunting dag­dag sa ating premium, nakasisiguro tayo sa episyenteng pangangalaga sa ating kalusugan.

Nililinaw ng PhilHealth na walang co-payment o dagdag bayad na sisingilin sa mga pasyente sa mga ward sa mga pagamutang pribado o publiko. Pero magbabayad naman ng extra ang pasyente sa mga espesyal o non-basic na akomodasyon lalo na kung hihigit sa halaga ng nakatakdang case rate.

Kaya kung magtaas man ng kontribusyon ang PhilHealth sa mga miyembro, ang matatamasang benepisyo ay higit sa sulit dahil de kalidad ang serbisyong maibibigay sa lahat, pati na sa mga mahihirap sa ating lipunan.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with