^

PSN Opinyon

Salot ang mga pergalan ni Mr. Tuyoy sa La Union!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

TALAMAK ang mga pergalan ni Mr. Tuyoy sa mga bayan ng Tubao, Pugo, Rosario, Agoo at Burgos sa La Union. Ang pergalan ay pinagsamang peryahan at sugalan.

At sa kabila nang masamang dulot ng mga pergalan ni Mr. Tuyoy sa mga bayan na nabanggit, walang marinig sa mga local officials at ganundin sa Philippine National Police (PNP).

Nabusalan ang bibig, napiringan ang mata at pinasakan ang taynga ng mga opisyal?

Tahimik na tahimik sila, walang makita at walang marinig.

Kaya sa kasalukuyan, mistulang legal na ang operasyon ng mga pergalan ni Mr. Tuyoy sa La Union.

Dapat ang PNP ang unang makaamoy ng pergalan ni Mr. Tuyoy dahil sila ang tagapagpatupad ng batas. Pero tahimik din si La Union Police Director Col. Lambert Suerte. Magaling pa naman siyang pulis. Sa pagkaalam ko, decorated Special Action Force (SAF) commando at Medal of Valor awardee siya. Sayang naman kung sa pergalan lang masisira.

Alam kaya ni Suerte na sinisira at nilalason ng mga pergalan ni Mr. Tuyoy ang isipan ng mamamayan at umaasa na lamang sa games of chance?

Napag-alaman ko, kaya nagiging legal ang mga pergalan ni Mr. Tuyoy ay dahil nagkakaloob ito ng donasyon sa mga bayan sa La Union.

Kung gaano  kalaki ang donasyon, walang ­makapagsabi. Sino ba naman ang tatanggi sa donasyon? Pero may benepisyo bang nakakamit ang mamamayan sa donasyon ni Mr. Tuyoy?

Ang isang tiyak na nakukuha sa mga pergalan ni Mr. Tuyoy ay pagkasira ng kinabukasan ng mamamayan. Salot ito sa lipunan at kung hindi mabubuwag, kawawa ang mga susunod pang henerasyon sa La Union.

* * *

 

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with