^

PSN Opinyon

Madilim na Christmas para sa mahihirap na Pinoy sa MM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sa pangalawang taon ni President Bongbong Marcos sa trono, ang Paskong ito ang tiyak na pinakamalungkot para sa mahihirap sa history ng Metro Manila. Hindi malaman ng mga mahihirap kung saan sila kukuha ng pambili ng handa para sa kani-kanilang pamilya sa Noche Buena sa December 24 at New Year. Bakit?

Ang itinuturong dahilan ng mga mahihirap ay ang “no-take-policy” ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez na nagbunga sa kawalan nila ng munting­ pagkakakitaan. Kararampot na nga lang ang pumapasok­ sa kanilang bulsa, eh nawala pa. Dipugaaaaa! Eh wala na­mang maibigay na trabaho sa kanila si BBM. Mismooooo! Hehehe! Sana iwaksi ng mga mahihirap sa isipan nila ang pagbenta ng droga o sumawsaw sa krimen para kumita.

Naghihikahos na ang buhay ng mga mahihirap sa Metro­ Manila mula nang maupo si Nartatez bilang NCRPO chief apat na buwan na ang nakararaan. Kung dati-rati may pumapasok na barya sa kanilang bulsa sa pagiging kubrador ng kung anu-anong sugal lupa, abayyyyy nahinto ang tulo ng gripo nang mahigpit na ipatupad ni Nartatez ang “no-take-policy” niya. Anyare?

Nagsarahan ang mga maliliit na financier ng sugal lupa samantalang ang malalaking bangka naman ay tuloy lang ang operation dahil “rekta” sila. Araguyyyyy! Mga gurami lang ang kaya ni Nartatez? Tanong lang po. Hehehe! Ka­ilangan pa bang i-memorize ‘yan?

Dahil Pasko na nga, ang buong akala ng mga financiers ay lalambot ang puso ni Nartatez subalit nagkamali sila. Hanggang kahapon, walang palatandaan na naantig si Nartatez sa sitwasyon ng mga mahihirap sa Metro Manila. Ang masama n’yan, kung sarado ang sugal lupa sa Kamay­nilaan, sa ibang parte naman ng Pinas abayyyyy rumarat­sada na sila. Mismooooo!

Hindi naman makapagbukas ang maliliit na financiers sa takot na masagasaan sila ng R2 at RSOG at malaking­ pitsa ang mawawala sa kanila. Di baleng mawala ang kapital nila na mula P30,000 hanggang P50,000, ‘wag lang mahulihan ng operating unit ng NCRPO at malaking piyansa ang ilalabas nila, Halimbawa, mahulihan sila ng anim na kubrador, abayyyyyy tumataginting na P30,000 kada isa o P180,000 sa kabuuan ang mawawaldas sa bulsa nila. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Ano pa nga ba?

Sa totoo lang, hindi lang naman ang mahihirap nating kababayan ang apektado sa “no-take-policy” ni Nartatez dahil kasama na dito ang mga kapulisan. T’yak, matumal din ang Christmas party nila, di tulad ng mga nakaraang mga taon. Kararampot lang kasi ang MOOE nila, alangan namang sa party-party pa nila gagastusin imbes na sa operation para pangalagaan ang seguridad ng Metro Manilan’s nitong Christmas holiday. Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Baka potluck na lang sila dahil tiyak, tulad ng kinaugalian, ipagbawal din ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang pag-solicit ng Christmas gifts. Araykupooooo! Napapansin kaya ng Palasyo na walang earthshaking accomplishment ang NCRPO? Ambot sa kanding nga may bangs!

Pero dapat ituloy ni Nartatez ang kanyang kampanya. Di baleng madilim ang Christmas ng mahihirap, ang importante gagawa siya ng history na kauna-unahang PNP official na nagpasara ng sugal lupa sa Metro Manila. Abangan!

vuukle comment

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with