^

PSN Opinyon

Pinay DJ umaalagwa ang karera sa Qatar

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Makatawag-pansin ang paglalarawan sa kanya ng isang pahayagan sa Qatar, isang bansa sa Gitnang Silangan na pinaninirahan ng mahigit 200,000 maygranteng Pilipino. Sa artikulong isinulat kamakailan  ng isa ring overseas Filipino worker na si Darlene Regis sa Qatar Tribune,  inilalarawan niya ang brodkaster na Pilipinang si Kim Rendon bilang “Boses ng pamayanang Pilipino sa Qatar.”

Ayon kay Regis, si Rendon  na mas kilala sa Qatar  bilang RJ Andi ay isang boldly eclectic radio jockey, host, vocalist, violinist, bass guitarist, pianist,  radio presenter, online sensation, singer, musician, artist at influencer.

Sinasabi sa Qatar Tribune na lalong napatanyag si Rendon o RJ Andi dahil sa kanyang radio program sa Qatar na umani ng napakaraming tagapakinig at ginawaran din siya ng "Female DJ” award in the Queen City of the South.  Naririnig ang kanyang boses tuwing umaga sa 94.3 Qabayan Radio. Kinilala siya maging ng pamahalaan ng Qatar. Libu-libo ang nanonood ng kanyang mga video at show sa Tiktok, YouTube at Facebook. Nabatid na 13 taon na siya sa broadcasting industry sa Qatar at isang aktibong OFW doon.

Sa radio, umaalingawngaw ang kanyang boses sa Qatar habang  kumakapanayam siya ng mga kilalang Pilipino at ibang dayuhan sa Qatar tulad ng mga lider, founder, entrepreneur at iba pang mga tao na naging matagumpay sa kanilang mga larangan.

Nagsimula sa Pilipinas ang karera ni Rendon bilang brodkaster sa Cebu sa  Pilipinas pero isinulong niya ito sa Qatar.  Nagtapos siya sa kolehiyo ng AB-English in    Literature at naging scholar ng University of Cebu Symphonic Orchestra.

Sinasabi ni Kim o RJ Andi na malalim ang kahumalingan niya sa musika at public speaking. “Limang taon gulang pa lang ako nang magsimula akong tumugtog ng violin sa patnubay ni Maestro Donato Enriquez sa University of Cebu na nagbigay sa akin ng isang full scholarship at ng mga oportunidd na lumabas sa mga cultural at theatre shows.”

Labinglimang taong hinasa niya ang kanyang kakayahan sa iba’t-ibang aspeto ng musika sa symphonic orchestra ng nabanggit na pamantasan. Nagbigay ito sa kanya ng malakas na pundasyon sa music theory, performance at ensemble playing. Nagsanay din siya sa Cebu Music Orchestra. Sa radio broadcasting, una siyang nagkaroon ng practical training sa YES FM station.

Nabatid na ang ama ni Kim ay isang singer, ang lolo niya na may alyas na “Inday Bambina” ay nagingg radio broadcaster sa isang popular FM station sa Cebu at may isa pa siyang kamag-anak na radio commentator na kilala bilang Inday Nita sa Cebu.

Sa edad na 17 anyos, “nagsimula akong magtrabaho sa YES FM, isang prominenteng radio station sa Cebu,” paingles na kuwento ni Kim. “Ipinursige ko ang karera ko bilang radio broadcaster sa Qatar na nagbigay-daan para makapagpatuloy ako sa music at public speaking na dumarami ang nakakarinig.”

Napili niya ang Qatar para sa kanyang karera dahil sa dinamikong media industry nito at yumayabong na ekonomiya na nagbibigay ng pagkakataon na mapaunlad niya ang kanyang karera. “Isa itong nakakapanabik at mapaghamong panahon na nakakakonekta ako sa mga tagapakinig at naibabahagi ko ang aking hilig sa music, entertainment, and public speaking,” dagdag ni RJ Andi.

Meron na siyang anak na edad anim na taong gulang pero ang pagbabalanse ng mga responsibilidad ay nagturo sa kanya ng mahalagang aral sa pagtitiyaga, tatag ng loob at kahalagahan ng pamilya. Inspirasyon niya ang kanyang mga magulang, kapatid, anak at lola.  Naging instrumento ang kanilang suporta, gabay at pagmamahal sa paghubog ng landas ng kanyang propesyon.

Maipagmamalaki niya bagaman hindi niya inasahan ang pagkilala sa kanya ng Ministry of Culture ng pamahalaang Qatari dahil sa pagsusulong niya ng tinatawag na cultural diversity sa naturang bansa. Isang karangalan para sa kanya na mahirang bilang Official Presenter sa isang prestihiyosong event ng Ministry of Culture na isang singing competition para sa mga Arabic at Non-Arabic talent.

“Isa pa sa pinakamalaki kong tagumpay ang pagiging ina. Hinubog ako ng mga karanasang ito at patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa pagtahak ko sa buhay,” wika pa ni Kim.

Bukod dito, aktibo rin si Rj Andi sa serbisyo publiko. Nagbibigay siya ng mahahalaga at mahahalagang impormasyon sa komunidad at nakikilahok siya sa mga aktibidad ng mga Pilipino sa Qatar.

Lagi niyang tinatandaan ang mga turo sa kanya ng una niyang mentor na si Mr. Marlon Baula, dati niyang station manager sa YES FM sa Cebu, na ibalanse niya ang kanyang karera nang 30 porsiyento sa talent at 70 porsiyento sa ugali.  “Naipaunawa niya sa akin na, kung walang tamang ugali, merong mas magaling sa akin na papalit din sa akin. Isa itong payong tagapagpaalala sa akin sa buo kong karera na nagtutulak sa akin na patuloy na paghusayan ang aking kakayahan at magkaroon ng positibo at propesyonal na kaisipan,” sabi pa ni RJ Andi.

At, kung siya ang tatanungin, maipapayo niya sa mga aspiranteng radio jockey at musician,  “Laging tandaan na laging nakasalalay sa inyong sarili ang kakayahang matamo ang inyong mga pangarap. Ang tagumpay ay hindi lang natutukoy sa pagsapit sa destinasyon kundi pati na rin sa pamamagitan ng tapang at katatagan habang patungo kayo roon.”

* * * * * * * * * * * * * *

Email – [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with