^

PSN Opinyon

‘Nitso’ tulugan ng mga Pinay DH sa Hong Kong?

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman siya aktuwal na nitso na tulad ng puntod na libingan ng patay pero dito itinutulad ng ilang domestic helper na Pilipina sa Hong Kong ang kanilang tinutulugan at pinagpapahingahan sa bahay ng kanilang mga amo pagkatapos ng kanilang trabaho. Halos wala raw ipinagkaiba sa totoong nitso.

Lumabas kamakailan sa website ng Sun HK ang kumalat na mga litrato na inilabas ng ilang mga overseas Filipino worker na nagtatrabaho bilang kasamabay sa Hong Kong na nagpapakita ng kanilang sitwasyon kung paano at saan sila natutulog.  Walang binabanggit na mga partikular na lugar at pangalan bagaman tila ngayon lang merong lumabas na mga litrato na nagpapakita sa sitwasyon ng ilang domestic worker sa naturang rehiyon ng China. Halatang ang mga litrato ay kinunan sa pamamagitan ng cellphone camera. Ilan sa mga ito ay nagpapakita sa tulugan ng isang Pilipina na nakadikit sa inidoro.  Ayon sa nagpakita nito, sinubukan niyang magreklamo sa kanyang amo, pero ang sagot daw nito ay pasalamat siya dahil may libre siyang toilet. Kung hindi daw siya masaya doon ay maari na siyang magbitiw. Hindi ito ang unang tulugan sa loob ng toilet na pinagamit sa isang foreign domestic worker sa Hong Kong, ayon sa ulat ng Sun HK.

Matagal nang isyu iyong tulugan ng ilang mga Pinay Dh sa ibang bansa tulad ng sa Hong Kong. May mga natutulog lang sa kusina, salas o banyo. Pero, ang tila pinakamatindi at bago,  iyong tulugan na parang nitso ng patay.

Ayon sa ulat ng Sun HK, isa  sa mga tulugang ipinakita sa Facebook page ng DWC Help, isang grupong binuo ng ilang Pilipinong domestic worker para magpaabot ng tulong sa kapwa, ay mas malapit pa ang hitsura sa nitso dahil ni walang siwang ang tablang pinantatakip doon. Hindi makakapasok sa loob kung hindi pahiga, at kailangang kumapit sa metal na hawakan para magpadausdos papasok. Katulad ng kontrobersyal na tulugan (sa kubeta) ay sobrang kitid nito kaya mahihirapang tumagilid o mag-iba ng posisyon ang isang humihiga doon. Nakapatong din ito sa mga drawer, kaya kailangan ng hagdan para makapasok.

May ilan ding nagpakita ng mga tulugan na mala-cabinet ang hitsura, at nasa ibabaw ng mga refrigerator at oven sa kusina ng bahay ng kanilang mga amo. Pero ang sabi nila, mas maigi na daw iyon kaysa patulugin sila sa sala o sa sahig sa kusina.

Pero ayon sa Mission for Migrant Workers na isa sa mga pangunahing grupo na nangangalaga sa kapakanan ng mga foreign domestic worker sa Hong Kong, hindi dapat pinapayagan ang mga employer na bigyan ang kanilang mga kasambahay ng mga tulugan na nakakababa ng kanilang dignidad. Dagdag ng Mission, tanggap nila na maliliit ang mga bahay sa Hong Kong kaya hirap ang maraming pamilya na bigyan ng sapat na lugar para tulugan ang mga FDW. Kaya nga daw matagal na nilang ipinaglalaban na ibalik ng gobyerno (ng Hong Kong?) ang karapatan ng mga dayuhang kasambahay na tumira sa labas ng bahay ng kanilang mga amo para pare-pareho silang hindi mahirapan.

Ang naturang sitwasyon ay hindi lang sa Hong Kong nangyayari. Meron ding lumalabas na mga ganitong isyu sa iba pang mga bansa tulad ng sa Middle East na merong mga domestic worker na natutulog lang sa sala, kusina o banyo ng bahay ng kanilang mga amo.  May iba nga na kahit may sariling kuwarto ang Pinay DH ay meron namang nakatutok na CCTV sa kanila.

Gayunman, tulad sa isinusulong ng Mission for Migrant Workers, bakit nga ba hindi na lang magkaroon ng hiwalay na tirahan  ang mga domestic worker na Pilipina sa ibang bansa para hindi na nila kailangang matulog at magpahinga sa bahay ng kanilang mga among dayuhan? Bukod sa makakapagpahinga nang komportable ang mga OFW na ito pagkatapos ng kanilang trabaho ay maaaring mabawasan ang mga pang-aabuso sa mga domestic worker na nakatira sa bahay ng kanilang amo.  Mas papabor pa nga ito sa mga dayuhang employer na maliit lang ang bahay na walang ekstrang espasyo o kuwarto para sa kinukuha nilang katulong.

Ano ang puwedeng gawin dito ng gobyerno ng Pilipinas?  Hindi naman mapupuwersa iyong mga dayuhang employer na maglaan o magpagawa ng bago at  maayos na kuwarto o iupa ng ibang matitirhan iyong Pinay domestic helper lalo na kung limitado lang ang kanilang kapasidad. O kaya aprubahan lang ang kontrata sa trabaho ng OFW kung matitiyak na magkakaroon siya ng maayos na tulugan sa bahay ng papasukan niyang dayuhang employer.

Ang mahirap nito, naging tradisyunal na kasi sa iba’t-ibang panig ng mundo, kahit naman dito sa atin sa Pilipinas, na ang mga kasambahay ay nakatira sa bahay ng kanilang mga amo.   Pero may mga lokal na ahensiya sa ilang dayuhang bansa na nagsusuplay ng iba’t-ibang klase ng katulong na hindi obligadong tumira sa bahay ng kanilang pinagtatrabahuhan. Ito iyong mga kasambahay na limitado ang oras ng pananatili nila sa bahay ng employer. May mga OFW din na nagtatrabaho sa ganitong ahensiya. Aalis sila pagkatapos maglinis ng bahay halimbawa o maglaba at magplantsa at magluto o puwede nang iwanan ang inaalagaan nilang bata kung meron nang titingin dito. Maganda sana ang ganitong sitwasyon dahil may kalayaan ang domestic worker na mamili kung saan niya gustong tumira o matulog bagaman may mga ahensiya na nagbibigay ng tirahan sa kanilang mga tauhan. Maaaring mainam ang ganitong kaayusan.

* * * * * * * * * *

 

Email- [email protected]

vuukle comment

DOMESTIC

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with