^

PSN Opinyon

Online romance scam

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BINABALAAN ang mga kababayan natin partikular sa mga kababaihan. Kayo ang pangunahing target ng mga nasa likod ng online romance scam.

Kapag kayo’y mga single mother o di naman kaya ay biyuda, kuwidaw! Maging paladuda sa lahat ng mga luma­lapit sa inyo sa online at nag-aalok ng pag-ibig kuno.

Magpapakilala at kunwaring interesado sa inyo hanggang sa makuha at mahulog ang loob ninyo. Hindi na ito bagong modus. Marami na ang mga nabiktima ng tinatawag na love scam.

Para makaiwas, narito ang mga pagkakakilanlan o red flag ng online romance scam.  

Una, taga-United States daw sila. Karamihan sa mga isinumbong sa #ipaBITAGmo nagpapakilalang US army na naka-deploy daw sa mga kampo o war zones tulad ng Syria.

Pangalawa, ayaw nilang magpakita ng mukha dahil mabubuking ang kanilang katarantaduhan. Ang gusto nila sa chat lang mag-uusap.

Pangatlo, kapag napaibig na nila at nahulog na ang loob ng kanilang target victim, saka nila papangakuan. Ang magic word, package. Ipadadala raw nila sa Pilipinas­. Kapag narinig n’yo na ang salitang ito, magduda na kayo.

Ang package, naglalaman daw ng dolyares, mga ma­mahaling gamit, damit, alahas, ticket, visa at kung anu-ano pa na makakaengganyo sa kanilang “karelasyon” kuno. 

Subalit, bago raw makuha ang kanilang ipinadalang package kailangan daw muna nilang magpadala ng pera o magbayad sa courier, custom, taxes o mga katulad nito.

Ang paraan daw ng pagbabayad, sa pamamagitan ng GCash. Naloko na!

Ang pinaka-huling lumapit sa #ipaBITAGmo na biktima ng online romance ay isang biyuda. Nakuhanan ng P300,000 na mula sa kanyang ipon noong siya’y OFW pa lang at ang iba naman ay inutang.

Patuloy na panawagan at babala ng BITAG sa publiko partikular sa mga kababaihan, huwag ninyong susunggaban agad ang ganitong mga estilo. Maging paladuda sa mga nakakausap ninyo online. Kapag lagi kayong paladuda mahihirapan ang mga dorobo na lokohin kayo.

At bago pa kayo magpadala ng pera, isipin n’yo may #ipaBITAGmo. Sisiguraduhin namin na hindi kayo maloloko ng mga dorobo!

vuukle comment

SCAMMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with