^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Kailangan pa ba ang PDEG?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Kailangan pa ba ang PDEG?

NGAYONG nalubog sa kahihiyan ang Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot ng mga opisyal at miyembro ng PNP- Drug Enforcement Group (PDEG), kailangan pa ba ito? Hindi ba’t kung magsasagawa ng internal cleansing ang PNP sa pamumuno ng hepe na si Gen. Benjamin Acorda, isa sa mga dapat buwagin niya ay ang grupo na nag­bigay ng kahihiyan. Kung mawawala ang grupo, malaki ang pagkakataon na makabangon ang PNP. Malaking kahihiyan ang idinulot ng PDEG sapagkat­ halos lahat ng personnel nito ay sangkot sa “cover-up” ng 990 kilos ng shabu na nakumpiska noong Oktubre 2022 sa tanggapan ni dating PDEG MSgt. Rodolfo Mayo sa Tondo, Maynila. Ang shabu ay nag­kakahalaga ng P6.7 bilyon. Ito ang pinakamalaking drug haul sa kasaysayan ng PNP. Hanggang sa ka­salukuyan, iniimbestigahan ng Senado ang mga pulis na sangkot sa “cover-up”.

Pero sabi ni General Acorda, hindi na bubuwagin ang PDEG sa halip ay magkakaroon na lamang daw nang mahigpit at istriktong proseso sa mga itatalagang narcotic policemen sa nasabing enforcement group. Hindi raw problema ang anti-drug unit kundi ang mga personnel. Kaya magsasagawa umano ng monitoring at background investigation sa police officers para masiguro na hindi maliligaw ng landas ang mga ito.

Ikinatuwa naman ni PDEG director Brig. Gen. Faro Olaguera ang desisyon ni Acorda at nangakong susundin ang mga ipag-uutos nito para sa kabutihan ng enforcement group. Sinabi ni Olaguera na 117 PDEG personnel na ang na-relieved sa puwesto dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga. Magsasagawa umano siya ng revamp sa PDEG personnel sa mga susunod na araw.

Kung magsasagawa ng paglilinis sa PNP, tiyakin na talagang malilinis nang todo ang PDEG upang maibalik ang tiwala. Kung hindi ito gagawin at muling masasangkot ang mga tauhan sa illegal na droga, wala nang dapat gawin kundi buwagin ito. Ano pa ang silbi kung mga tauhan na inatasang huhuli sa drug syndicate ay sila pala ang dapat hulihin.

Kung hindi mapapatino ang mga pulis na naka­talaga sa PDEG, dapat nang mag-isip si General Acorda na talagang lusawin na ang grupo. Hindi na ito kailangan.

 

vuukle comment

DRUG

PDEA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with