^

PSN Opinyon

Huwag magbuwis sa communist rebels

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PAALAALA ito ng Philippine National Police (PNP) sa mga kakandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan. Kung lalapitan kayo ng mga rebeldeng New Peoples Army at hihingan ng campaign tax huwag kayong magbibigay kahit singko dahil makakasuhan kayo ayon sa umiiral na batas.

Ngayon ay kinukunsidera na ang mga communist rebelde na terorista sapul pa noong panahon ni Presidente Duterte. Ibig sabihin, kahit yung mga nagbibigay ng anumang ayuda o suporta sa mga rebelde ay mahaharap sa itinatad­hanang parusa laban sa mga terorista. Siyempre kapag sumuporta ka sa mga terorista, terrorist symphatizer kang maituturing. Bahagi ka nila kaya ilalapat din sa iyo ang angkop na parusa.

Ayon kay Chief PNP Benjamin Acorda, Jr., ang mga kandidatong yuyukod sa NPA at magbibigay ng buwis ay makakasuhan ng paglabag sa batas alinsunod sa Anti-Terrorism Act of 2020. Nasa nakakatakot na sitwasyon ang mga kadidato, lalo na yung mga nasa mga tinatawag na rebel infested areas. Kung kandidato ka at hihingan ka ng buwis ng rebeldeng armado na handang manira at pumatay, natural lang na mabahag ang iyong buntot at ibigay ang kanilang hinihingi.

Sinasabing malaki na ang nabawas sa mga teritoryong nasaklaw ng mga rebelde. Ngunit batay sa babala ni Acorda, mayroon pa ring NPA rebels na nagdedemand ng campaign tax sa mga kandidato. Marahil, bukod sa pagbibigay-babala sa mga kandidato, bantayan din ng kapulisan ang mga lugar na may control pa rin ang mga rebelde. Huwag namang sisihin ang mga kadidatong dahil sa takot sa kanilang buhay ay napipilitang magbigay sa mga rebelde. Hindi natin sila kina­kampihan pero wala naman silang intensyon na pumanig­ sa mga komunista kundi sila ay nangangamba lang sa kanila’ng buhay at sa buhay ng kanilang pamilya.

Desperado na palibhasa ang mga NPA sapul nang mamatay ang kanilang katas-taasang supremo na si Jose Ma. Sison kaya gagawin ang lahat para masustine ang buhay ng kanilang pangkat sa pamamagitan ng extortion sa mga nananahimik na taumbayan.  Sa mga rebeldeng NPA, hindi pa ba kayo nagigising? Namatay na ang inyong pinakamataas na leader at naririyan pa rin kayo sa kabundukan at ipinaglalaban ang isang imposibleng layunin.

Mabuti pang magbalik loob na kayo sa lipunan at naririyan ang gobyerno na handang tulungan kayo sa inyong pagbabagumbuhay. Sa ginagawa ninyo, wala na kayong ipinag-iba sa mga karaniwang mandarambong at tulisan na sa inyong pandarahas ay idinadamay pati ang mga inosenteng sibilyan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with