^

PSN Opinyon

E-sabong, magbabalik na ba?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

ANG kontrobersiyal na e-sabong ay magbabalik na? Humahangos na nagreport ang mga kosa kong sabong afficionado na tinatawagan na sila para magprepara ng kani-kanilang panabong na manok dahil tuloy na ang pagbukas ng e-sabong sa Hunyo 1. Abayyyyy, malakas ang loob ha! May basbas kaya ni President Bongbong Marcos ang pagbubukas ng e-sabong? Dipugaaaaa!

Kung sabagay, miss na miss na ng mga kosa kong adik sa sabong ang e-sabong. Ano pa nga ba? Hehehe! Mukhang nakalimutan na ang kaso ng 34 missing sabungero ah! Mismooooo! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang tatayong manager ng magbubukas na e-sabong ay ang isang Joseph Umbad na taga-Tondo, Maynila. Ayon sa mga kosa kong sabong afficionado, dating ordinaryong Pinoy lang si Joseph subalit sa ngayon “very special person” na siya. Dipugaaaaa!

Napakinabangan ni Joseph ang pagiging IT expert niya dahil ang operation ng e-sabong ay gamit ang mga hi-tech na gadgets. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na hindi gaganapin ang e-sabong sa mga sabungan sa Sta. Cruz, Laguna o sa Arena sa Maynila kundi sa San Rafael, Bulacan. Isang alyas Cholo ang mamahala ng sabungan para walang huli sa mga pulis. Dipugaaaaa! Siyempre, ang lahat ng sultada ay ire-record ng hi-tech camera na ipapasa naman sa isang link na ikakalat sa mga sabong afficionado. Hehehe! Sayang talaga ang bilyones na kikitain sa palarong ito. Mismooooo!

Hindi pa masabi ng mga kosa ko kung sino ang nasa likod nang magbubukas ng e-sabong. Subalit maaring hindi si negosyanteng si Charlie “Atong” Ang dahil hindi naman World Pitmaster Cup ang pangalan nito. Kung sabagay, lumabas sa nakaraang Senate hearing na maraming ­operator pala itong e-sabong. Sino kaya sa kanilang ang matapang na sumuway kay BBM?

May kaukulang permit kaya itong e-sabong ni Joseph? Hehehe! Kung meron man dapat isabit nila ito sa sabungan sa San Rafael, di ba Boss Cholo? Mismooooo!

Matatandaan na ipinasara ni BBM ang e-sabong kahit nag-aakyat pa ito ng milyones na tax sa gobyerno matapos lumutang ang kaso ng 34 missing sabungeros. May ilang suspects nang kinasuhan ang CIDG ng PNP at sa katunayan naglabas na ang korte ng arrest warrant laban sa kanila. May ilang pulis na sumuko na. Eh di wow!

Paano mapatigil itong e-sabong kung mismong ang nagtatagong si Negros Oriental Rep. Arnie Teves ay nagsasabing walang bansa sa mundo ang kayang kontrolin ang cyber space. Subalit kung talagang nais ng gobyerno ni BBM na ipahinto ang e-sabong, ang kasagutan lang dito ay kumpiskahin ang camera na nakakabit sa sabungan sa San Rafael, Bulacan at presto wala silang maikalat na video ng naglalabang manok. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung hinabol ni Interior Sec. Benhur Abalos ang e-sabong ni Teves, ano kaya ang hakbangin niya sa magbubukas na e-sabong? Abangan!

vuukle comment

E-SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with