^

PSN Opinyon

Duterte: Hindi na ligtas ang mga lansangan

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAGLABAS ng saloobin si dating President Rodrigo Duterte na hindi na ligtas ang mga lansangan nitong mga huling buwan at araw. Maraming krimen na ang nangyayari kabilang na ang mga kaso ng panggagahasa at pagpatay ng mga biktima.

“There are a lot of heinous crimes committed sa (on) helpless citizens. These streets are really not that safe anymore,” ani Duterte ngayong nalalapit nang mag-isang taon mula nang siya ay bumaba bilang presidente.

Natanto ni Duterte na tila dumadami na naman ang nagaganap na krimen sa bansa lalo na ang panggagahasa sa mga batang babae at may pinapatay pa pagkaraang gahasain.

Gaya ng limang taong gulang na bata na ginahasa at pinatay noong nakaraang buwan sa Tagum City, Davao del Norte. Nasundan ito nang panggagahasa at pagpatay sa 19-anyos na estudyante na ginahasa at pinatay din sa nasabing lugar.

Noong nakaraang linggo, ginahasa at pinatay din ang isang 28-anyos na architect sa Calinan district, Davao City. Natagpuan ang kanyang bangkay sa isang banana plantation.

Sinabi ni Duterte na ang mga panggagahasa at pagpatay ay may kinalaman sa muling paglaganap ng droga sa bansa. Ang paggamit ng droga ang nag-uudyok sa mga kriminal na gawin ang karumal-dumal na krimen sa mga walang kalaban-laban na biktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with