^

PSN Opinyon

Kagat ng aso at pusa  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMING Pilipino ang nakakagat ng aso o pusa. Delikado po ito dahil puwede itong magdulot ng rabies. Sa bawat taon, 600 Pilipino ang namamatay sa rabies, at 100,000 naman ang binabakunahan laban sa rabies.

Ang rabies ay nakukuha sa laway ng aso, pusa, daga at paniki na may sakit ng rabies. Kapag tinamaan ang pasyente ng rabies, maghihintay pa ng tatlo hanggang walong linggo bago magkaroon ng sintomas.

Ang sintomas ng rabies ay ang pamamanhid sa lugar­ ng sugat, pagwawala, paglalaway at paninigas ng mukha.

Tandaan: Kapag nagkaroon na ng sintomas ng rabies, mahirap na itong gamutin. Dahil dito, kailangang maagapan kapag nakagat ng aso at pusa.

First-aid sa kagat ng aso at pusa:

1. Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig sa loob ng 10 minuto.

2. Lagyan ng povidone iodine ang sugat. Huwag lagyan­ ng ointment o takpan nang masikip ang sugat. Dapat lumabas ang laway ng hayop na posibleng may dala ng rabies.

3. Huwag lagyan ng bawang, suka, patis o toyo ang sugat. Hindi ito nakagagamot at baka magdulot pa ng tetanus.

4. Dalhin kaagad ang pasyente sa ospital o Animal Bite Center tulad ng PGH sa Taft Avenue, San Lazaro Hospital sa Tayuman, Manila, RITM sa Alabang at mga malalaking ospital.

5. Hulihin ang aso at obserbahan ito ng 10 araw. Kapag nagpakita ang aso ng senyales ng rabies (naglalaway at nagwawala), dalhin ito sa ospital (tulad ng RITM) para ma-eksamen ang utak ng hayop.

Kailan nagbibigay ng bakuna:

1. Kapag nalawayan lang ng hayop at wala namang sugat sa balat, ligtas ito at hindi kailangang magpabakuna.

2. Ngunit kapag nakagat ng hayop at may sugat, kailangan ng bakuna laban sa rabies. Obserbahan ang aso ng 10 araw. Kapag walang nangyari sa hayop, ang ibig sabihin ay wala itong rabies at ligtas ang pasyente.

3. Kapag malalim ang kagat ng aso, o nakagat sa bandang mukha o leeg, kailangang agad bigyan ng bakuna at gamot ang pasyente. Dalhin agad sa mga nabanggit na ospital.

Tips para makaiwas sa rabies:

1. Para makaiwas na makasakit ng ibang tao, pabakunahan ang inyong mga alagang aso.

2. Huwag hayaang makawala ang aso. Lagyan ito ng tali.

3. Ireport sa awtoridad ang mga gumagalang aso.

4. Kapag naglalakad sa kalsada, magdala ng payong para may pangtaboy ng aso.

5. Huwag hayaan ang bata na maglaro sa hindi ninyo alagang hayop.

6. Huwag aabalahin ang mga hayop habang sila ay kumakain, natutulog o nagpapasuso ng kanilang anak (tuta o kuting).

7. Kapag may sugat kayo sa katawan, huwag hayaang dilaan ng aso ang sugat at baka mahawahan ng rabies virus.

8. Sa mga nag-aalaga ng hayop, puwede kayong magpabakuna laban sa rabies. Kumunsulta sa inyong doktor.

vuukle comment

RABIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with