^

PSN Opinyon

Pulis na itinaya ang buhay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAPANGANIB ang buhay ng mga pulis. Sabi nga, ang kaliwang paa nila ay nasa hukay paglabas pa lamang ng kanilang mga tahanan o opisina. Laging nakaamba sa kanila ang disgrasya saan man magpunta para gampanan ang pagbibigay ng seguridad sa taumbayan. Tuwing reresponde sila sa mga nangyayaring krimen gaya ng holdapan, hostage-taking, nakawan, sila ang napupuruhan o nauunahan ng mga Kriminal.

Katulad ng nangyari sa hepe ng pulisya sa San Miguel, Bulacan noong Sabado ng gabi. Napatay si Lt. Col. Marlon Serna nang barilin ng dalawang holdaper sa Bgy. Pulong Mangga, San Ildefonso, Bulacan. Nagsagawa ng hot pur­suit operation si Serna kasama ang dalawang tauhan nang makatanggap ng impormasyon na binabagtas ng mga holdaper ang nasabing lugar.

Nang maispatan nina Serna ang mga holdaper na naglalakad, hinarang nila ang mga ito. Pagbaba ni Serna sa sasakyan, pinaputukan siya ng mga holdaper at tinamaan sa ulo. Mabilis na nakatakas ang holdaper. Hindi naman malaman kung nakaganti ng putok ang dalawang tauhan ni Serna.

Nag-offer ng P1.7 milyong pabuya sa makapagtuturo o makadarakip sa mga pumatay kay Serna. Ang pabuya ay nanggaling kay Department of Interior and Local Govern­ment secretary Benhur Abalos, pinagsama-samang ambagan ng mga pulis sa Central Luzon, mula kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. at mula kay Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Sa sinumang makakakilala sa dalawang killer, ipagbigay-alam ito sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o kay Governor Fernando. Hindi ibubunyag ang inyong pangalan upang maprotekhan ang inyong buhay.

Tumulong para sa madaling ikahuhuli ng mga killer ni Serna. Isang bayani si Serna na itinaya ang buhay para mahuli ang mga holdaper. Kung ang ibang pulis ay nasa­sangkot sa masasamang gawain gaya ng hulidap, drug recycling, kidnapping at iba pang heinous crimes, naiiba sa kanila si Serna na nagpakita ng katapangan para masa­wata at malupig ang mga criminal. Matapang niyang hinarap ang panganib na naging daan sa pagbubuwis ng buhay.

Hindi malilimutan ang kabayanihan ni Serna.

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with