^

PSN Opinyon

CIDG operatives vs 13 Chinese, sinong nagsasabi ng totoo?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

May paraan pala ang Philippine National Police (PNP) para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo sa kampo ng 13 Chinese na nahuling naglalaro ng mahjong at mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Para malaman ang katotohanan, ang dapat rebyuhin ni PNP chief Gen. Junaz Azurin, ay ang programa nila na tinatawag na Police Operations Management and Information System (POMIS). Ang POMIS ay itinatag para maiwasan ng personnel ng PNP ang corruption.

Dito sa POMIS mga kosa, ipadadala ng operating team, halimbawa ng CIDG-NCR, ang kanilang initial spot report patungkol sa raid sa Marina Bay sa Parañaque City, thru SMS tungkol sa nahuli na 13 Chinese na naglalaro ng mahjong.

Naging masalimuot ang kaso dahil nahubaran ang mga Chinese ng pitsa at mga mamahaling relos, na ayon sa mga Chinese ay hindi naman totoo. Hehehe! At hanggang sa ngayon, hindi pa mabatid ang katotohanan tungkol sa kaso na nauwi sa bangayan nina CIDG-NCR chief Col. Hansel Marantan at opisina ni Lt. Gen. Rhodel Sermonia. Dipugaaaaa!

Sinabi ng mga kosa ko na sa initial spot report, dapat nakalagay ang lahat ng impormasyon tungkol sa operation ng alinmang unit ng PNP, pati mga pangalan ng suspects, mga ebidensiya at kung ano ang nai-file na kaso. Dahil CIDG-NCR ang nag-operate sa Marina Bay, dapat ang POMIS-SMS ay dadaan sa Operations Management Division, kay CIDG director Brig. Gen. Romeo Caramat, at halos kasabay na sa PNP Command Center (PCC) kung saan naka-save ito sa database.

Sa ganitong sitwasyon, hindi na puwedeng baguhin ng sinumang opisyal o operative ang kanilang report. Eh di wow! Hindi lang ‘yan? Kapag may naghabol na pulitiko o opisyal ng gobyerno sa kaso, puwedeng idahilan ang POMIS. Dipugaaaaa! Hehehe! Kaya silipin lang ni Azurin ang POMIS at tiyak ang katotohanan sa kaso ang bubungad sa kanya, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sinabi ng mga kosang kong batikang imbestigador na kahit may desistance na ang mga Chinese, dapat inquested pa rin sila ng taga-CIDG-NCR. Kung illegal gambling operations ‘yan, dapat hindi na ginalaw ng CIDG operatives ang personal na gamit ng arrested persons. Kapag kinumpiska naman, dapat may resibo para transparent ang lakad.

Inamin ng kosa ko na talagang may pitsa at mamahaling relos ang suot ng mga Chinese dahil ang Marina Bay ay pugad ng mga mayayaman, di ba Boss Tsip Taipan Kim Wong Sir? Hehehe! Kung umabot ang CIDG-NCR sa kanilang anti-criminality campaign sa loob ng Marina Bay, abayyyyy may problema ang kanilang security guards. Dipugaaaaa!

Ang napuna pa ng kosa ko, bakit hindi man lang inalam ng taga-CIDG-NCR ang official status ng 13 Chinese at baka working visa lang sila sa Pinas. Kaya ayaw nilang habulin ang pitsa at iba pang epektos na nakuha sa kanila ay dahil ayaw nilang maabala. Tumpak!

Idinagdag pa ng kosa ko, noong panahon nila sa CIDG, kapag may huli silang Chinese, abayyyy ini-endorse nila kaagad sa Bureau of Immigration sa Bicutan para ligtas sila sa delubyo. Abangan!

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with