^

PSN Opinyon

Ingratong mapagsamantala

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PUTRIS itong mga taong nagbubunyi at nasisiyahan sa pinagdaraanang hamon ng isang indibidwal—kilala o simpleng tao man.

Hamon man ‘yan sa aspeto ng negosyo, karera o personal na buhay. Sa Ingles, thriving in the misfortune of others.

Nabubuhay ang dugo nila kapag may pinag-uusapan o isinusulat sila. Lalo na ngayon sa panahon ng social media. Ang kanilang content, buhay ng iba. Pag-uusapan at pagtatawanan na akala nila sikat sila sa mga pinagga­gawa nila.

Pero ang bakuran nila ayaw nilang tingnan. Gusto nila, buhay ng iba ang pinakikialaman at tinitsismis nila.

Para bang wala na silang saysay kapag wala silang­ napag-usapan. Wala na silang ganang mabuhay kapag wala silang nagigiba o pinagtatawanan. Ang tawag sa mga putok sa buhong ito “Marites” o “Tolits”. Pinagpipyestahan at pinag­kakakitaan ang mga taong wala namang ginagawa sa kanila. Dala na rin siguro ng kanilang inggit at pagkabuwisit sa tagumpay ng iba.

Tulad na lang nitong mga nakaraang araw. Alam ko, makaka-relate kayong lahat.

Isyu ito ng pananamantala sa ilang talent at artista. Exploitation of their handlers or managers. Mahirap talaga kapag pera ang pinag-uusapan. Lumalabas ang pagka-ingrat at ingrata.

Katulad nang ginawa kay Liza Soberano at kaibigan kong si Willie Revillame. Hindi ko na idedetalye ang buong kuwento. Alam kong alam ninyo ang tungkol dito.

Lilinawin ko lang. Hindi nakikialam o nanghihimasok ang BITAG sa showbiz. Subalit bibigyan ko ng kaunting espasyo ang usaping ito.

Ang punto ko lang, lahat tayo ay nagdaraan sa iba’t ibang hamon sa buhay. Kasawian, kalungkutan, sakit ng damdamin o karamdaman.

Lahat tayo nadadapa. Lahat tayo nagkakamali. Lahat tayo ay may kahinaan. Subalit mayrong iba na nabubuhay talaga sa pagtutuligsa at pangungutya. Maliit na bagay, pinalalaki. Naninira ng buhay ng iba.

Galit ang BITAG sa mga tsismoso at mga mapagsamantala.

Titirahan ko ng hiya at kaunting mukha ang tinutukoy ko sa kolum na ito. Hindi na kita papangalanan. Tapyasan mo na lang ang talas ng dila mo. Sabi ko nga, hindi ako showbiz.

vuukle comment

BITAG

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with