^

PSN Opinyon

Let them fade out naturally

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG tinutumbok ng title ng aking kolum ay ang pag-phase out sa mga makalumang jeepney sa lansangan.  Maganda ang pasya ng LTFRB na huwag munang i-phase out ang mga tradisyunal na jeepney. Pero hindi nanga­nga­hulugan na hindi na itutuloy ang modernisasyon.

Basta bayaan lang makapasada pa ang mga tradis­yunal na jeepney ngunit itigil na ang pagrerehistro sakaling may mga bagong humihingi ng prangkisa kung ang inirerehistro ay makalumang jeepney.

Magagawa ito kung ipagbabawal na ang pagbebenta ng mga operators sa mga pinaglumaan nilang behikulo­ kasama ang prangkisa.

Darating din ang panahon na maluluma na nang husto ang mga jeepney na nabanggit at ‘di na makapapasada. Ang mga jeepney operators ay may sapat na panahon para makabili ng mga moderno. 

Kaawa-awa kasi ang mga drivers at maliliit na ope­rators na mawawalan ng kabuhayan sa dagliang phase out sa kanilang means of livelihood. 

Nasa 25,000 traditional jeepneys pa ang pumapa­sada. Marami ang mawawalan ng kinikita kung ipagbabawal agad ang pagpasada ng mga ito. Ngunit, as I said, ituloy ang modernisasyon para sa operators na kayang mag-invest sa pagbili ng modernong sasakyan.

Kasi, kung hindi ngayon, kailan?

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with